Chapter 6.2- - - - - - - - - - I feel it

198 19 5
                                    


"Anong hindi sinasabi? Anong hindi sinasabi sa'yo? Kung meron man akong secret, sasabihin ko sa'yo? Ganon? Bestfriends tayo?"


"Bakit hindi mo sinabing plano mo palang kausapin si pareng Yojeid kaya ka pumunta rito sa RMC? Kung sinabi mo sa 'kin kaagad, siguro kausap mo na siya ngayon."


Ano daw? ~.~ Grrr. . . Kassandra!! >.<


Parang gusto yata niyang ikulong ang friend niya sa zoo.


Ano siya? 'Yung babaeng gagawin ang lahat mapasa-kanya lang ang mahal niya? Diyan sila nagkakamali.


"Anong planong kausapin si Yojeid kaya ako pumunta sa RMC? Yuck! Sa inyo na siya! Over my hot and sexy body!"


"Sus! nagde-deny ka pa eh, umamin ka nga. Halata kaya sis. Namumula ka na naman oh. Tulad kanina, it's so obvious na gustong-gusto mo si Yojeid!"


"Che! Magsama kayong dalawa! Bass drum! Drum stick! Kulang nalang ay kumuha kayo ng bass guitar at vocalist para makabuo na kayo ng banda! Lalayas na ako! Baboo!" papaalis na sana siya, kaya lang - - -


Hinawakan ni Zeph nang mahigpit ang braso niya. "Hayaan mo friend, tutulungan kitang makumbinsi si Yojeid na magkabalikan kayo."


"Anong magkakabalikan eh hindi pa nga kami- - - -" Oo nga pala. Kumalat na nga pala sa sanlibutan ang issue namin dati ni Yojeid. Na nagkaroon kami ng saglitang relasyon. Nang dahil kay Micah. At ngayon ay naalala na naman niya ang nakalipas.


Ang masakit na katotohanan na nalaman niya 'nung nasa Raven pa siya. "At bakit ko siya kukumbensihin? I never loved him! At hinding-hindi ko siya mamahalin... forever!"


At nagwalk-out siya nang bonggang-bongga. Pero kasabay 'nun ang pag-aalala na baka maligaw siya sa lugar na iyon. Marami na kasing nagbago. Baka mamaya nalang eh matagpuan nalang niya ang sarili niya sa puso ni Yojeid.


Chos!




~.~.~.~.~

NALIBOT niya ang buong RMC sa dahilan ng pagkamiss niya sa lugar na iyon. Masakit na ang mga paa niya, pero hindi niya talaga natiis na tingnan ang ganda ng Raven.


Nadama niya ang presensiya ng akalain mong paraiso at damang-dama pa ang napaka-preskong simoy ng hangin.


Feel na feel din niya ang mga park, isa na doon ang pinakahinahanap-hanap ng mga bisita rito, ang nagagwapuhang Raven Boys. Kaya tumingala nalang siya sa langit. At nagpasalamat sa Diyos.


Ipinikit niya ang mga mata niya at sabay nilakad ang part ng Raven Mirth Compass kung saan ay natatanaw ang baybay dagat.


Tutal, halos wala namang katao-tao roon, hindi na siya nahiya pang maglakad nang nakapikit. She felt like walking on Heaven. Dinama niya ang haplos ng hangin at dininig niya ang bawat pagbagsak ng alon. Napangiti siya.


Ang saya. ^_^


"Huy! Babae ka!" ngunit tila may sumisira sa scene niya. Napadilat siya. Nagulat siya sa nakita niya sa harapan niya. Is that her friend Kass? Bongga yata itong manakot.


"Sis! Ano ka ba! Kita mo nang nag-eemote ako dito oh! Hayaan mo, maya-maya... lalayas na rin naman ako sa dark place na 'to."


"Dark place pala ah? Eh anong ibig sabihin 'nung ginagawa mo kanina? Daig mo pa ang baliw sa mental kung maka-arte ha? Humihithit ka ba sis? Sabihin mo lang sa'kin. At nang marekomenda kita sa kasama ko."


"May kasama ka?"


"Si Zeph, ayun siya oh!" itinuro nito sa kanya ang isang lalaki mula sa may likuran niya. Nang lingunin niya ito, nakatingin lang ito sa karagatan. Napakalalim ng iniisip. Baliw?


"Kumain ka na ba? Nagyaya kasi si Zeph eh. SAGOT daw niya. Kaya hindi na tayo mamomroblema sa mga mamahaling pagkain dito! Apir!"


Ngunit hindi siya gumanti dito ng apir. "Pero,...lalayas na ako dito. Hmm. Pero kung ganyan rin lang na may libre, sige ba! C'mon!" at umapir na rin siya! =)


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon