Chapter 4.2- - - - - - - - -The War☻

464 30 10
                                    



"AYUSIN MO nga ang trabaho mo!"


"Eh! Inaayos ko naman ah! Kung tulungan mo kaya ako rito!"


"Alam mo ba ang rules?"


"Of course." tinaasan ni Nadine ng kilay si Yojeid. Saka inirapan nang bonggang-bongga.


"Eh bakit hindi mo alam na bawal mag-utos sa amo? Kung totoo lang kitang katulong, sinesante na kita kaagad."


"Pwede ho bang itigil muna ang kadaldalan natin? Masyado kasing maingay eh. Sakit na ng ears ko. Kita mo nang nagko-concentrate ako rito?" wika niya habang padabog na winawalis ang walang katapusang kalat na puro patay lang naman na dahon sa likuran ng mansion ni Yojeid.


"Gusto mong dagdagan pa ang isandaang gawain mo ngayon ng sinkwenta? O baka gusto mo pang doblehin?" nakatayo lang ito sa harapan niya. Habang siya, hirap na hirap na.


"Pinagsisisihan kong pumasok pa ako sa Raven. Akala ko kasi may pag-asa pa kami ni Giulio ko. Nang dahil kasi sa 'yo, nasira mo ang moments namin! Heh! Sinira mo ang future ko!" bigla siyang nagwalk-out. Naglakad siya papunta sa kung saan para lang hindi makita ang taong iyon.


Pero pagdating niya sa may fountain, tila kinilabutan siya. Tumaas bigla ang mga balahibo niya. May nakita kasi siyang isang bagay na nakakakilabot.


Wait. Hindi. May--


"Aso! Wah!! Run for my life!" wala na siyang ibang naisip na gawin kundi tumakbo. She's so afraid. Tumatak sa isipan niya ang nakakatakot ng mukha ng asong iyon. Super laki pa. Hindi siya makakapayag na makagat niyon!


At ilang saglit pa'y papalapit na nga ito sa kanya.


"Lumayo ka sa akin! Anong kailangan mo? Kendi? Pag-usapan natin!"


Daig pa niya ang panalo sa mga paligsahan sa pagtakbo sa sobrang bilis niya. Automatic yata iyon. Kusa lang sigurong lumalabas ang mga kakayahan niya kung may emergency.


Pero hindi pa rin nawala ang kaba niya. Malaki rin naman kasi ito. Nakakalula. Napansin niyang kahit pinapawisan siya ay damang-dama niya ang pagkaputla ng buong katawan niya.


Demonyito ka talagang Yojeid ka! Manang-mana sayo ang pambihira mong alaga! Geshh! Aalis na talaga ako sa mansion na ito! Pero bago iyon, tatadtarin muna kita ng pinong-pino. saka kita ipapagiling ng bonggang-bongga para pure talaga ang pagkapino.


Then, pwede na kitang ibenta sa palengke. Supermarket? Hmmm.. Ah basta. Si Manang Dyosa nalang pala ang magbebenta sa iyo kasi busy pa pala ako sa studies ko. . . joke3x! ..hihihihi! witch lang?


"Sevilla! Not there! Hey, be careful!" nakarinig siya ng boses mula sa kung saan. Parang pamilyar ang boses na iyon. Halata sa mga boses nito ang pag-aalala. Teka, nasaan na nga pala siya?

Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon