Chapter 8.2- - - - - - - - - Sulyap (>‿◠)✌

89 3 0
                                    




CERVANTES Bulding. Naniniwala ka bang ito ang pinakasentro ng commercial transactions ng bansa? Hindi naman sa ganoon. Because it is just one of the companies na nagpaunlad ng bansa.



Can't you believe that it is just found here in Raven Mirth Compass? At tanging mga mahahalagang tao lamang ang may kakayahang makapasok sa lugar na iyon.



You can't get in if you don't have a contract, appointment or connection.



Kaya, dapat bang pasalamatan ni Nadine ang sarili dahil heto siya ngayon at nasa harapan ng Cervantes Building at natatanaw ang nakakalulang kumpanya?



Hindi niya alam. Kasi everytime na pumupunta siya rito, puro nalang surprises ang nararanasan niya. =)



"Hi girls!" isang napakalamig na tinig kasabay ng paghiyaw ng sandamakmak na kababaihan na parang linta kung dumikit dito ang bumulabog kay Nadine.



"Gus! I love you very much! Huwag mong kalimutan ang date natin mamaya ha?"



"Gus! Hindi! 'Di ba tayo ang magde-date mamaya? Sino ba 'tong babaeng 'to?" sabay hawak sa kanang braso nito.



"Ah... let me explain girls - - -"



"'Di ba ako Gus? Gus! Ako ang piliin mo!" niyugyog nito ang kaliwang braso ng binata.



Ilang saglit pa at napansin niya ang isang matangkad at makisig na lalaki na papasok sa building. Ngunit, makaraan ang ilang segundo ay nakarinig siya ng sigaw mula sa likuran.



"'Di ba siya 'yung si - - -" wika nito.



"Xander! Tama! Oh my gosh! Ang gwapo niya! Tara at habulin natin siya!"



Mga fans ba iyon? Nakakaloka sila!



Nadama niya ang isang taong humablot sa sa isang braso niya, "Nadine? Kung naggagwapuhan ka 'dun sa lalaking 'yun, 'wag mo nang ituloy. Magugulat ka."



"Ha? Hindi kita maintindihan."



"I'm Eliza nga pala. Kilala kita kasi kagagaling ko lang sa office. May listahan kasi ako ng mga may kontrata sa Raven. Kumusta kayo ni Zeph?"



"Zeph?" napalingon siya ulit 'dun sa lalaki, "Magkaibigan lang kami. At siya nga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. =-> Ano nga palang ibig mong sabihin kanina?"



"Naku, mahabang storya. Nag-aaksaya lang ng panahon 'yung mga babaeng napapasok ni Jamiella na diumano'y mga fans daw niya. Kaya kung ako sa'yo, si Zeph lang ang tutukan mo. Mabait na tao 'yun."



"Mukha yatang over-protective ka kay Xander ah. Inlove ka 'no? Hmm... Nakikita ko sa mga mata mo." napangiti siya nang mapansin ang pagsalubong ng mga kilay nito.



"Che! 'Pag nalaman ko lang kung sino ang mahal mo, humanda ka sa 'kin! Matitikman mo ang bagsik ko!" bumuntong hininga ito, "Joke!"



Habang pinagamamasdan nila si Xander with the echoserang frogs, may tila lalaking papasok rin sa building at binati si Xander. Napatitig tuloy siya doon.



May gusto ka ba sa 'kin? Kasi dahil sa kagwapuhan ko, hindi mo na napansin na nasa akin na pala 'tong chocolate cake. Sorry. Favorite ko 'to eh.



"That's Yojeid, one of the architects who successfully designed Raven Mirth Compass. Kilala mo siya?" lumapit si Eliza sa kanya,"Bakit ganyan ka kung makatingin?"



Ganyan ka ba talaga kabaliw sa 'kin ha? Nadine?



Sinulyapan niya si Eliza, "Ah! Oo naman. Kilala ko siya."



Niyugyog nito ang isa niyang braso,"Huy, ano bang nangyayari sa 'yo? Nakakita ka yata ng multo ah."



"Wala no. Anong multo? XD"



"Hmm... Alam ko na kung kanino ka inlove."



"Sa kanya? Never! Yuck!" diretso niyang sabi dito.



"Ikaw ang may sabi niyan." nginitian siya nito. Tinapik nito ang balikat niya, "Mabait naman si Yojeid eh. Kung kakamuhian mo pa rin siya, hindi mo talaga makikita ang totoo niyang ugali."



At napatingin siya kay Yojeid.



Oo nga 'no. Mabait naman siya eh. That's why I fell inlove with him.



Napangiti siya.



"Sige, sakto, marami pa pala akong gagawin. Paalam Mrs. Villazanta! Sa muling pagkikita!" kumaway ito sa kanya saka lumakad palayo.



Pero, may sasabihin pa yata ito, "Hi Yojeid!" ngumiti ito papalapit kay Yojeid.



Nang-aasar ba 'yong babaeng 'yon?

Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon