Chapter 3.2- - - - - - - - - The Offer ❀

488 32 14
                                    

Hanna Jei's note: Feel free to comment guys ha!!  Arigatou Gozaimasu! (Thank You!) => 


_ _ _


BALIW NA siguro siya at mapupunta na sa Mental Hospital pagkatapos ng eksenang iyon. Gusto na niyang mahimatay. Pwede magboxing dito?


"Ohh...pare. Ang swerte mo naman. Sayang at hindi ko napormahan agad si Nadine. 'Di bale, bagay rin pala kayo. Akala ko kasi noon, mas bagay kami ni Nadine."


"Sorry nalang pare, pero talagang sinadya ng Diyos na maging mas gwapo ako kaysa sa iyo." napansin niyang nakangiti na si Yojeid habang dahan-dahang inakbayan siya nito. Hey...sira-ulo ba talaga 'tong unggoy na 'to? Hindi lang pala masungit ito. Mayabang din pala. Super.


"Nagkataon lang na naunahan mo ako. Kung nakilala ko lang siya bago kayo magtagpo, kami na siguro ngayon. Nakakapanghinayang. Kumuha sana ako ng listahan ng mga babaeng papasok dito sa Raven dati, para mapansin ko ang mga beauty nila at ang kanilang personalidad."


"Sus, wala ka talaga sa sistema pare."


Uminit ang dugo niya sa mokong na iyon. Wala itong karapatan na pakialaman ang personal life niya. Naiirita talaga siya. Gustong-gusto na niyang magsalita ulit. Pero tila huli na ang lahat dahil paniwalang-paniwala na si Giulio sa ginawang kalokohan nito. Ano ba kasing gusto nitong palabasin? Mukhang aalis na si Giulio mula sa kinatatayuan nila. Teka! Hindi maaaring basta na lamang itong lumayo. Dapat masabi niya ang katotohanan bago pa mahuli ang lahat! "Giulio! Teka lang, wait!"


Narinig yata nito ang boses niya. Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Enjoy na enjoy naman ang pagsunod sa galaw ng buhok nito. What shampoo?


Ngunit tila nabibilang nalang ang mga maliligayang araw niya. May nararamdaman siyang kakaiba sa kamay niya. Wait. Nasa tabi niya si Yojeid. At ito lang naman ang sumira sa buhay niya. I'm so double-dead now..I hate it. Hindi man lang ito naaawa sa beauty niya.


At ngayon, biglang hinawakan nito ang kamay niya nang napakahigpit. Unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan pero hindi siya mapakali.


Hindi man lang ba ito naaawa sa pasmado niyang kamay? Halos mamuti-muti na nga ito sa sobrang pasma. Anemic pa siya. Demonyito talaga itong mokong na ito! Grrrrr!


Habang pabalik ang atensyon ni Giulio sa kanya, mas lalo pang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Halos magkabali-bali na ang mga buto niya. 'Pag naputulan siya ng kamay dahil dito, sisipain nalang talaga niya ito sa tuktok ng bundok ng mga terorista. Pero gusto na niyang gawin iyon. Naubos na ang kanyang pasensya. Sinipa niya si Yojeid sa ibabang bahagi ng binti. Dinig na dinig niya ang pagkakasipa nun.


Kulang pa 'yan... Hayaan mo, later na lang. Nandito pa ang asawa ko eh.


"Oh? Bakit Ms. Nadine? May kailangan ka pa? Sige, huwag kang mahiyang sabihin. I can help." nasa harapan na niya ngayon ito.

Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon