Chapter 59: Anna

6.9K 258 100
                                    


End

"Umalis na tayo dito, Anna" nakikiusap na sabi ni mommy pero hindi ko pa rin makuhang gumalaw. I'm just looking at Luke who's also looking at me. At hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang iniisip niya. Sa mga titig niya pa lang alam kong galit na galit siya sa'kin. His eyes scream of frustration and betrayal. Kung nakamamatay nga lang ang tingin kanina pa ako bumulagta rito.

"You should've told me.." he hissed with his voice shaking at nag uunahan ang mga luha niya sa pagbagsak that he angrily wiped away. Wala rin akong magawa kung di umiyak lang. If I attempt to touch him lumalayo kaagad siya as if I have a disease na mahahawa siya.

And it hurts. Akala ko dati pinaka masakit na yung hindi ka pinagkakatiwalaan ng mahal mo but I'm wrong. Having the person you love be afraid of you is much much worse.

"Wala naman akong plano na itago sa'yo to.. Mamaya naman sasabihin ko na kaya lang naunahan ako" I answered that I wish and wish in my heart that he will believe dahil yun naman ang totoo.

Bakit ba kailangan na umabot pa kami sa ganito? I should've listened to Chaser when he said na sabihin ko na kaagad kay Luke. Hindi yung halos isang buwan pa ang pinalipas ko. Ayoko lang naman kasi sana na masira itong party na matagal nilang pinaghandaan ng kapatid niya. Bakit napasama pa? I was just doing what I thought is right.

He brushed his hair frustratedly at nagmura that no doubt everyone heard. Pinaaalis naman na nila Chaser yung mga bisita but still marami pa rin tao na nakakapanood sa'min ngayon.

He's crying hard and it breaks my heart. Gustong gusto ko siya yakapin pero wala akong magawa dahil alam kong ako ang dahilan nang pag iyak niyang yan. I can't comfort him when in the first place ako ang naglagay sa kanya sa ganyang pakiramdam.

"Ilang linggo mo nang alam pero hindi mo man lang sinabi sa'kin. You're so unfair as always, Anna! Kahit kailan talaga hindi ka nagtiwala sa relasyon na to!" sigaw niya sa'kin at mas lalong lumakas ang pag iyak niya. Nung mahagip ng kamay niya yung baso sa mesa itinapon niya yun that made an ear piercing sound.

"It's not that! Luke, sana maintindihan mo rin yung nararamdaman ko! Sa tingin mo ba madali lang sa'kin yun?! Halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano sasabihin sa'yo! Tell me paano ko masasabi sa'yo ng ganun na lang na ang taong pumatay sa taong pinakamamahal ng mahal ko ay kamag anak ko!" ayoko sana siyang pagtaasan ng boses pero hindi ko na napigilan. Why can't he understand? Mahirap din naman to para sa'kin.

Huminto siya sa pag iyak at nilapitan ako ng husto so I am forced to look at his eyes who used to look at me with full of love pero ngayon galit lang ang nakikita ko. "Simple lang. Just tell it straight to me. Hindi yung pinagmukha mo akong tanga, Anna! All this time I was thinking na tanggap mo ako dahil pagtapos natin pumunta dun hindi mo ako iniwan yet may iba palang dahilan kung bakit di mo ako maiwan!" he spat that made me shut up dahil wala akong maisip na isasagot doon.

"Magsabi ka nga nang totoo sa'kin, Anna. Minahal mo ba talaga ako?" dagdag niya nung hindi na ako kumibo.

"Alam mo ang sagot sa tanong mong yan, Luke! Mahal na mahal kita!" binigyan diin ko ang bawat salita kasabay ng sakit na nararamdaman ko sa loob ko. Tanggap ko naman na magalit siya sa'kin pero sana hindi niya kinukwestyon ang pagmamahal ko sa kanya. I loved him. We loved with a love that was more than love. I gave him everything!

He laughed sarcastically na hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Talaga lang? Eh kung mahal mo naman ako bakit hindi mo nagawang magpaka honest sa'kin? Isn't it a bit unfair? Ako lahat sinabi ko sa'yo. Even the darkest part of me"

This time lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Hindi siya kumawala pero naramdaman ko na nanigas siya. And it breaks my heart.

"Hindi mo ba ako naiintindihan? Luke —"

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now