Chapter 22: Luke

12.3K 392 27
                                    

Promise

"So there's no stopping it then?" Paul asked. I nodded as a response kahit hindi naman kami magkaharap and there's no way he'll see me. Magkausap kasi kami ngayon sa phone and talking about what are the possible things that could happen tomorrow na surely will cause a fuss sa school.

Though hindi nakita ni Paul ang pagtango ko, maybe it was my silence that served as a confirmation that there's no stopping the situation now. Wala nang makakapigil sa gustong mangyari ni mommy. He sighed deeply.

"Luke, personally I have no problems with it. With Anna. Ang pinag aalala ko lang ang magiging reaksyon ni Chaser at kung anong kalalabasan ng lahat. Isn't it a bit awkward na yung babaeng gusto ng bestfriend mo na gusto mo rin ay alalay mo? That doesn't sound great" he said

"Paul believe me when I say na kahit gusto ko si Anna, I never wanted this to happen. You can ask her and mom kung ano ang naging reaksyon ko nung malaman yun. You know me, ang pinaka ayoko sa lahat ay yung papakialaman ang mga gagawin ko" I said flatly at hinimas pa ang batok ko dahil biglang sumakit ang ulo ko. God. Hindi pa man nangyayari ang mga iniisip ko nas stress na ko, paano pa kaya pag totoo na? Tsk

"But that's Tita Pep, Luke. We both know her too. We all know her. She's very gentle and sweet pero nagbabago yun kapag may kataranduhan kang ginagawa. Ewan ko rin naman kasi sa'yo, pare. Di ka pa ba pagod sa mga kalokohan mo? Though I have to give credit for you na hindi ka na nambababae"

I smirked "Don't worry magbabalik loob na ako ulit, malapit na"

"Hahahaha. Iba ka talaga. But seriously speaking, Luke.. Alam mo ang pinagdadaanan ni Anna di ba?" he asked which taken me aback dahil sa biglang seryoso niya

"Uhm, yes" I answered

"Alam mo naman na hindi madali ang buhay nila, right? So pare sana, don't make it harder for her.

Ilang sandali muna ang pinapalipas ko bago sumagot "Why the sudden concern, Paul? Don't tell me —"

"Siraulo. If you think na gusto ko siya, then think again. Naaawa lang talaga ako sa kanya cause I've seen how struggling she is"

I have no answer to that. Natawa na lang ako and I have decided na magpaalam na dahil gumagabi na. Damn, I need a long sleep dahil simula bukas maaga na naman ang gising dahil may pasok na naman. Screw mondays.

"See you, mate and good luck" Paul said and hanged up.

Supposedly matutulog na  ako but I found myself still wide awake hanggang 2AM. Thinking of what will happen tomorrow. Until now hindi ko pa rin maisip kung paano ko ipapaliwanag kay Chaser ang lahat.

With that, I drifted off to sleep. Bahala na si batman.

***

In my dream, I was kissing her. Nasa isang kwarto raw kami at nakahiga sa kama while we're kissing endlessly. Fiercely. We're kissing as if there's no tomorrow. That as if kissing her is the only thing I was born to do.

Alam kong nananaginip lang ako. There is no way in this life that I will be kissing her like this.

But it feels so real. Her lips feel so real.

"Luke" and just like that nagising na lang ako. When I snapped my eyes open mukha agad ni Anna ang nakita ko

"Gumising ka na at mal late tayo!" she said in a high pitched tone na sinabayan pa ng paghampas sa hita ko.

With that napaupo ako cause honestly medyo nasaktan ako sa ginawa niya. Tinignan ko siya ng masama

"Ano bang problema mo?! Alam mong gising na ako tapos hahampasin mo pa!" I snapped and stretched my arms. Nabuksan niya na pala yung blinds ng bintana ko and as I can see malapit na sumikat ang araw. Pero fuck, pakiramdam ko isang oras lang akong natulog dahil inaantok pa ako.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon