Chapter 17: Anna

14.3K 476 33
                                    

Smoke

Ganito ba talaga ang mayayaman?

I mean, hindi sila yung mga klase ng tao na bibigyan ka ng choice? Yung tipong sila lang dapat ang masusunod at hindi mahalaga ang opinyon mo? Ugh, badtrip kasing Luke to eh! Sa totoo lang, kanina ko pa talaga siya gusto sapakin eh. Ayoko lang gawin dahil nagmamaneho siya at baka maaksidente kami. Pero bwisit na bwisit na talaga ako sa kanya!

"O ayan, babantayan na ni Lily ang mga kapatid mo. Pwede na ba?" he asked me in a teasing way. May tiwala naman ako kay Lily na babantayan niya ang mga kapatid ko eh. It's just dito lang kay Luke wala. Paano kung itanan niya ako?!

Narinig ko siyang huminga ng malalim "Miss, if you think na gagawan kita ng masama then think again. Ipinagkatiwala ka sa'kin ni Chaser kaya bakit ko naman gagawin yun di ba?"

Hindi pa rin ako mapalagay. Actually the thought of that music show excites me. Hindi naman ako mahilig sa music yet it will be the first time na makakapanood ako ng ganun. Dati naman sa Winslet may mga shows na ganun pero hindi ako nakakapanood dahil mahal ang ticket.

"Come on, Anna. Take this as a reward for yourself para sa ilang linggo mo ng pagiging subsob sa pag aaral. Every once in a while, hindi naman masama na magpahinga ka. Just this night, let's enjoy. Kalimutan mo muna pansamantala ang responsibilidad mo sa mga kapatid mo tutal nandun naman ang kapatid ko"

Napatingin ako sa kanya dahil bahagya akong nagulat sa kaseryosohan niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang ganito na seryoso but it still gives me small chill everytime.

Ngumiti ako ng kaunti and shrugged my shoulders "Okay sige. Pero umuwi na muna siguro tayo para makapagbihis" I resigned. Dahil napag isip isip kong senseless na kung makipagtalo pa ako sa kanya

"Don't you worry about that. Pagkakuha natin ng tickets may pupuntahan tayo para sa mga damit natin"

"Luke-"

"Anna please hayaan mo lang ako" he said sternly at nanahimik na lang ako. Yes, just this night. Just this night..

***

On the way papunta sa bahay nila, we have talked na ipapakilala niya ako sa mommy niya. But the sad thing is hindi namin siya naabutan. Pagdating namin sa bahay nila walang tao.

"Stay here. Kukunin ko lang sa office ni mommy yung tix" sabi niya sa'kin at pinaupo ako sa sofa. Iginala ko ang mga mata ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako dito pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang paligid.

Simple lang naman ang ayos ng bahay nila yet mababakas pa rin ang karangyaan. Marami rin framed pictures sa paligid kaya napalapit ako sa grand piano para tignan ng mabuti yung mga yun. Ilan sa mga litrato is silang magkakapatid na kuha sa iba't ibang lugar.

Then dumako ang mga mata ko sa isang portrait ng lalaki. Bago ko pa ma realize nakahawak na ako sa frame nun. Hindi ko lubos maisip pero parang kilala ko tong lalaki. Parang nakita ko na siya somewhere dati pero hindi ko lang maalala kung saan.

"My father" kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko nabitawan ko ang picture frame. Inis akong napatingin kay Luke

"Kailangan ba biglain mo ako?!" singhal ko sa kanya pero binalewala lang niya. May hawak siyang puting envelope that I assume yung mga tickets at naglakad papalapit sa'kin. Nilagpasan niya ako at kinuha yung picture ng daddy niya.

"Dati nung bata ako, palaging sinasabi ni mommy na kamukha ko raw ang daddy. Hindi ako naniniwala. Pero nung magbinata na ako, saka ko na realize na kamukha ko nga siya" he said smiling at itinabi sa mukha niya yung picture frame for me to see. Napangiti ako dahil tama siya. Magkamukha nga sila. Though mas gwapo ang daddy niya.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now