Chapter 6: Luke

23.1K 556 46
                                    

Bad Boy
"Twain, you're inlove" if I could just stop the car, buksan ang pintuan and kick this goddy sister of mine out of here para lang hindi ko marinig yung pang aasar niya, kanina ko pa sana ginawa.

"You're inlove! You're inlove! Gonna tell that to mom later" I stepped on the brake harder than I expected. Mabuti na lang at walang sasakyan sa likod o sa harapan kung hindi naaksidente na kami. At mabuti na lang din naka seat belt kami pareho.

Oh jeez!

"You know what Lily, manahimik ka na!" I snapped and started driving again dahil may bumubusinang sasakyan sa likuran namin. Kung bakit ba kasi lumipat siya dito sa harapan eh.

"Eh kasi naman. Hindi mo pwedeng itanggi yung nakita ko. Yung tingin mo kay Anna! Tapos nung inabutan mo pa siya ng pera! Oh my God!"

"I did! Okay? I did pero gusto ko lang naman sila matulungan dahil wala silang pera. Don't make a big deal out of it dahil hindi lang naman siya ang babaeng natulungan ko" I said as a matter of fact. I don't know why my twin is acting like it's my first time to be nice sa isang babae. Para bang pinapahiwatig niya na wala akong modo and being nice is a big deal

She sneered and crossed her arms "Of course, I know. What I am giddy about is the way you looked at her. Twain, the last time I saw that look in your eyes was when Brie-"

"Stop right there!" I cut her off before she can even finish. Upon hearing Brie's name there is an anger na umahon na naman sa dibdib ko. Damn this talkative sister of mine! Kailangan bang i mention niya pa yun?! Ugh!

"Okay sorry" she said and put her hands up. I just clenched my jaw and focused on driving. I didn't even noticed na mahigpit pala ang hawak ko sa steering wheel kung hindi ko lang naramdaman na sumasakit na ang mga kamay ko.

"It's been a year, right? Luke, I know Br- You-Know-Who hurted you so much pero sana naman mag move on ka na. Forget her already by forgiving her"

Na para namang napakadali. Kung siguro hindi ko mahal na mahal ang taong yun, mapapatawad ko siya. Kung sana nagkaroon kami ng closure siguro hindi naman ako galit na galit sa kanya. But then there's nothing. I just woke up one morning that she's gone. She left without even saying that she's leaving. Wala man lang explanation. Hindi man lang siya nag imbento ng dahilan kung bakit ako iniwan. Pinagmukha niya akong tanga. And I hate her so much for that.

"You don't know what you're saying, Lily. Do not pry on things you know nothing about" I said coldly cause I know she's being biased. Noon pa man gusto na ni Lily ng kapatid na babae and somewhat she found it on Brie kaya ito ang pinapaboran niya.

"I know nothing about? I know everything!"

This time nainis na talaga ako. I parked the car on the side at tinignan ang kapatid ko ng masama "You know everything pero naiintindihan mo ba?!" I gritted between my teeth

That caught her off guard. Nag iwas siya ng tingin and just breathed heavily. That's it. No one will ever understand kung gaano ka nasaktan. Ikaw kasi ang nakakaranas at hindi sila. Para sa kapatid ko madali lang ang sinasabi niya na patawarin ko si Brie pero para sakin, who suffered the pain, napakahirap nun!

Can you imagine me giving everything to that girl I loved and suddenly bigla na lang niya akong iniwan? She knew about me. Lahat ng tungkol sakin sinabi ko sa kanya. Even the thing about dad na hindi ko nga sinasabi sa pamilya ko. That since I grew up without a dad, I thought that there is no love and God. Brie fucking knows it and she's my safe haven.. That turned out to be my hell too.

"This will be the last time na pag uusapan natin siya, Lily. A word again about her and you're dead to me" matigas kong sabi at pinaandar na ulit ang sasakayan.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now