Chapter 15: Anna

14.6K 472 23
                                    


Instead

It's been a week since nung pumunta si Luke sa bahay and we had this conversation and it's also been a week na hindi ko siya kinakausap. Chaser actually asked kung bakit parang umiilag ako kay Luke but I waved it away by saying na hindi lang talaga ako ganun ka friendly. Thanks heavens he bought it.

When Luke said he like me, may mga creatures na nagwala sa loob ng katawan ko. Never in my life na nagkaroon ako ng boyfriend or even kiligin ng husto over someone pero nung panahon na yun, ang saya saya. I even wrote it on a notebook.

Then night came at binawi niya ang mga salitang yun. Pakiramdam ko nun binuhusan ako ng malamig na tubig. It's seems like a beautiful dream at bigla na lang akong nagising.

Pero kung iisipin, kasalanan ko naman. I should have known better. Casanova si Luke. For him, girls are toys. Katawan lang ang habol niya sa mga babae so how fool of me to think that he actually like me gayong hindi ako pasok sa standards niya?

So I just lived normally at pilit nang kinakalimutan yun. Anyway, there are much important things to do. Nakalaan na ang buong oras ko sa mga yun and there is no way for stupid love.

"Good morning" naputol ang pagmumuni muni ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Sir Ibarra. Ang Filipino teacher namin. Agad naman na nagsitayuan kami para bumati sa kanya pagtapos ay umupo ulit. Wala naman kaming seat plan. Kung ano yung upuan namin nung first day yun pa rin ngayon so pinag gigitnaan pa rin ako ni Mara at Chaser habang sa likuran namin si Luke at Paul na hindi ko man lang nililingon.

"Gusto kong maging malinaw sa inyong lahat. Kaya ngayon pa lang ibibigay ko na ang magiging project niyo sa'kin sa pagtatapos ng school year na to. Ibig sabihin sa March niyo pa ipe perform tong sasabihin ko kaya may mahabang panahon pa kayo para sa paghahanda" seryosong sabi ni sir habang ginagala ang paningin sa amin lahat na mga tahimik.

May seven sections dito sa fourth year. Dalawang star section habang yung lima naman mixed na. Hindi kami star section pero sabi ng mga teachers namin maraming magagaling sa klase namin. Na obserbahan ko rin naman yun. Maraming magagaling sa min pero maingay kaya raw hindi nalalagay sa star section.

Masaya na rin ako sa ganito. Sa totoo lang ayoko sa star section. Doon kasi competitive masyado ang mga estudyante. Pati magulang nagpapaligsahan. Kaya kuntento na ako na napabilang dito sa section na to lalo't nandito si Chaser and Mara that became my friends officially.

"Ang magiging proyekto niyo sa'kin ay kailangan niyong isadula ang El Filibusterismo" si sir ulit. Nung una walang nag react until noises started chanting

"Sir ang onti naman ng mga tauhan dun eh thirty plus kami!" reklamo ni Pius

"E di yung iba maging guardia civil" sagot sa kanya ni sir

"Sir hindi ba pwedeng mini movie na lang?" suggestion naman ni Arianne na sinang ayunan ng marami

Mukhang pati si sir napaisip dahil natahimik siya. Siguro tinitimbang niya kung mas maganda ba yun. Para sa'kin okay ang sinabi ni Arianne. Ang hirap ng stageplay dahil live! Di katulad kapag ish shoot kahit magkamali okay lang dahil pwede naman ulitin.

"O sige. Mini movie na lang. But I am expecting na maganda ang kalalabasan. Humanap kayo ng mga lugar na angkop sa mga eksena. Pag isipan niyo na rin na pagbotohan ang mga tauhan"

The whole class broke into a roar of joy pero naputol din yun dahil pinatahimik kami ni sir. Nagtawanan na lang kami at nag umpisa na si sir magklase. Ano kaya ang magiging role ko sa play namin kung sakali?

***

"Anna, punta tayo sa kabilang building. Doon tayo kumain" yaya sa'kin ni Chaser. I closed my Physics book at hinarap siya

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon