Chapter 20: Luke

13.9K 418 40
                                    


Hello guys! Pasensya na po kung masyadong matagal mag update. Nago OJT kasi ako so medyo busy busyhan sa school. Gawa ng lesson plans, visual aids at palagi pang stress so wala talagang time para makapagsulat.

Though nagkaroon naman ng time para sa lovelife. Mehehe nalandi na ang author niyo :D share ko lang, alam niyo bang may mga estudyante ako sa grade 3 na may mga syota na? What's happening to the world, eh?

Good Boy

"Mom are you.. Are you serious right now?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. I even ignored the pain sa tagiliran ko cause what's in front of me is just hard to take in.

"May sinasabi ka Luke Zachary De Salvo?" mom shot back sarcastically na halatang inaasar ako. Damn, I can't believe this!

"Luke wag mong sinisigawan ang mommy mo!" pasok ni Anna sa usapan. At sa pagsasalita niyang yun mas lalo akong nainis cause it's just a proof that I am not dreaming.

Kahit masakit pa ang katawan ko bumangon na ako ng tuluyan at inilang hakbang ang paglapit kay Anna. When I did, I grab her arm harder than I intended.

"Hoy bitawan mo nga ako!" she jerked pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya

"Bakit ka pumayag ha?! Back out hangga't maaga pa!" I hissed to her ear.

Okay, oo gusto ko siya. Gustong gusto. Pero hindi naman ibig sabihin nun eh gusto ko na rin na palagi siyang nakabuntot sa'kin. And the fact that she will be paid because of that is just making me sick!

"Bitawan mo siya, Luke" kalmado pero alam kong galit si mommy underneath it kung kaya't binitawan ko na si Anna. I saw that my grip marked on her skin. Gusto ko sana na mag apologize but she threw me a murderous look so I held my toungue

"You can't just tell Anna to back out, Luke. May pinirmahan siyang kontrota sa'kin at oras na umalis siya I will sue her" mom again in her formal tone na para bang may kausap lang na business partner namin

I brushed my hair frustratingly "This isn't happening! How could you do this to me mom? It's practically invading my privacy!"

"Cause you're already too much to handle!"

"Kaya inaasa niyo na sa iba ang pagdidisiplina sa'kin?" I asked back not hiding the hurt in my voice.

Am I really that much? Hindi na ba ako mahal ni mommy kung kaya ginagawa niya to sa'kin? May kinalaman kaya yung lalaking kinukwento sakin ni Kuya Clyde kung kaya't nagkakaganito siya?

Seems like mom was taken aback by that dahil natahimik siya. Yet hindi man lang lumambot ang mukha niya so I know walang epekto ang sinabi ko sa kanya.

"Whether you like it or not, palagi na kayong magkasama ni Anna. Everyday she will report ang mga ginagawa mo sa school at sa labas" she said instead

I shook my head "She can't just do it, mom. May mga kapatid siya na hindi niya pwedeng iwanan na lang basta basta!" I reasoned which is true. Hindi talaga pwede ang ginagawa nito ni mommy. Mababantayan nga ako ni Anna pero paano naman ang mga kapatid niya? And fuck ano na lang ang iisipin ni Chaser!

"E di magpakatino ka ng sa ganun hindi mahirapan si Anna gawin ang trabaho niya. Stop making excuses, Luke. Hindi na uubra sa'kin ang mga yan"

Napatingin ako kay Anna na tahimik lang na pinaglilipat sa'min ni mommy ang tingin niya. I notice that she looks sick dahil parang namumutla siya but I chose to say quiet.

"Paano to nangyari, mommy? How come na sa dinami dami ng tao si Anna pa ang magiging bantay ko? How come na nagkakilala kayo?" I asked confused cause it doesn't just add up.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon