Chapter 7: Anna

19K 533 43
                                    

Call
That freaking Luke is on my mind for three weeks already. That hand shake left me dumbfounded. Alam ko naman na hindi siya inosente sa pakikipaglandian - katunayan, kaya nga kami nagkakilala dahil sa pambabastos niya doon sa babae sa labas ng bahay nila. But then, everytime I think of his hand against mine, pakiramdam ko nag iinit ang buong katawan ko.

Don't misunderstand! Nag iinit dahil kinikilig (sabi ni Zeke) hindi dahil pinagpapantasyahan ko siya. Ugh, nakakainis talaga!

Two weeks na lang pasukan na. Sa awa ng Diyos nagpapadala naman ng pera si mommy though balik na naman siya sa routine ng hindi pag uwi araw araw. But then, okay na din yun. Ang mahalaga lang naman sinusustentuhan niya kami para hindi gaano nababawasan yung pinahiram sakin ni Luke.

Kung ano man ang ginagawa niya sa buhay niya, it's way beyond my reach already.

"Anna, may tawag ka sa phone!" Tam called out from outside my door at kumatok pa ng dalawang beses. Nilagay ko muna sa gilid yung walis at mabilis na naglakad para bumaba.

Muntik pa akong madulas nang matapakan ko yung damit ng manika ni Tam pero nabalanse ko naman kaagad ang sarili ko. Nadaanan ko si Zeke na nililinis yung refrigerator at si Anna na naglalaro ng bahay bahayan hanggang sa makarating na ako sa sala kung nasaan yung telephone.

"Anna, speaking" I said sa alanganing boses dahil wala naman akong inaasahang tawag maliban na lang kung may nangyari na kay mommy na masama at kailangan kong siyang puntahan kung saan.

"Ms. Torres" upong hearing that man's voice hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong kinabahan. "This is Mr. Sandoval"

Humigpit ang paghawak ko sa receiver. Sana naman hindi yung dahilan na iniisip ko kung bakit siya napatawag ngayon. Sana talaga.. "Uhm, ano po yun?" magalang kong tanong though deep inside gusto na talaga sumabog ng nararamdaman ko. Si Mr. Sandoval ang secretary ng principal sa school namin. At unusual ang pagtawag niya sakin dahil maliban na lang kung may problema ako sa school..

"Can you meet me today? Mas maganda kung pag uusapan natin to ng personal. At kung maaari sana ngayon na dahil hindi na makakapaghintay tong sasabihin ko" he said sternly.

Nag isip muna ako sandali. Pagtingin ko sa mga kapatid ko nakatingin din sila sakin. At base sa itsura nila mas kinakabahan pa sila kaysa sakin.

Huminga muna ako ng malalim. Siguro kailangan ko ngang makipagkita sa kanya kung mahalaga ang sasabihin niya. Kilala ko si Mr. Sandoval. Isa siya sa mga seryosong taong kilala ko at alam kong mahalaga talaga ang pakay niya sakin kung ganitong umabot na sa puntong magkikita kami kahit walang klase.

"Sige po sir. Pupuntahan na lang kita dyan sa office mo" pagkababa ko nung telepono nag isip muna ako. Kinakabahan talaga ako. Sana naman huwag mangyari ang kinatatakutan ko.

Ang mapaalis sa Winslet Academy..

***

Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko. Nagsuot lang ako ng plain pants at shirt. Ayoko naman na paghintayin si Mr. Sandoval kaya hindi na ako nagsayang ng oras sa pag aayos. Habang naglalakad palabas sinusuklay ko na ang buhok ko

Binilinan ko ang mga kapatid ko na wag lumabas hangga't hindi pa ako nakakabalik. Kinonsider ko pa na isama sila kaso naisip ko na sayang din ang pamasahe. Kahit na nga ba may pera ayoko pa rin abusuhin yun lalo na't ganito ang nangyayari sa buhay namin ngayon.

Pagdating ko sa school wala naman masyadong estudyante dahil nga bakasyon pa rin. Umakyat ako sa third floor kung nasaan ang opisina ni Mr. Sandoval. Napahinto ako nang makita ko yung mga estudyante sa labas ng pintuan niya. Mga estudyante na katulad kong hindi mayayaman at scholar dito sa Winslet.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now