Chapter 44: Luke

8.1K 317 42
                                    


Freed

I know her well enough para sabihin that there's something upsetting her. For the whole day she's been quiet at parang malalim ang iniisip. May mga pagkakataon nga na natutulala siya and if I will snap her out of her reverie she will give me this look of surprise.

As much as I want to ask her, pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil gusto kong bigyan siya ng space. Wala naman kaming problema, kaya alam kong may kinalaman sa family niya ang pinoproblema niya.

Paglabas ni Ms. Dominguez instantly umingay ang klase. Salamat na nga lang at walang nangungulit sa amin or probably naramdaman na rin nila that Anna's mood is not good so they just kept their mouths shut.

Naramdaman ko na lang that she curled her arms around me at sumandal siya sa balikat ko. Her eyes closed.

"Baby may problema ka ba? You can tell me about it" marahan kong sabi sa kanya. Hindi ko na kasi kayang magtiis na nakikita siyang ganito na balisa.

"May nalaman kasi ako" she said with her eyes still closed

"Ano naman po yun?"

"About kay daddy"

Natahimik ako dahil hindi ko alam ang isasagot. We've never talked about his father before though kung tama ang pagkakaalala ko nabanggit na sa'kin ni Zeke ang about sa kanya dati.

"Do you want to talk about it now or you need more time?" my mind is already swirling with questions. Ano kaya ang nalaman niya about sa daddy niya?

"Mamaya na lang sa kotse" she said. I just nodded and kissed her forehead at hinayaan na lang siya na nakasandal sa'kin

***

Pagtapos ni Ms. Dominguez mayroon pang dalawang subjects but my girl refused to listen to the lectures. Sa tingin ko nga kaninang umaga pa talaga siya walang gana but she just forced herself. Pero ngayon talagang natulog na siya kaya ako ang gumawa ng mga seatworks niya and even copied notes for her.

Nung tapos na ang klase ginising ko na siya.

"Nakatulog pala ako!" she said horrified as she checked her books.

"Don't worry, babe. Ako ang gumawa ng mga seatworks mo and copied the notes. If you'll have troubles understanding it ipapaliwanag ko na lang sa'yo"

She smiled at me and leaned closer to me para yakapin ako. "Thank you" she whispered

Kami ang pinakahuling lumabas ng classroom so I didn't expect na hinihintay pala kami ni Mara at Paul sa labas na nang asar agad pagkakita sa'min.

"Ang tagal niyo ata lumabas ah" malisyosong sabi ni Paul

"Shut up" I bounced back at him

"Hoy gabi na kami pupunta sa inyo ah? Puntahan namin si Chaser. Nilalagnat daw eh sabi ni Auntie Almira"

Natawa ako nung maalala ko si Chaser kagabi. Buti na nga lang at nakita kami nung guard so may tumulong sa'kin na isakay siya sa kotse. Kung hindi nga lang siya lasing malamang nasapak ko na siya dahil sa mga pinagsasasabi niya like he's willing daw na maging secret boyfriend ni Anna.

"Nagpakalasing ba naman kasi ng husto eh" napailing na lang ako. The last time Chaser was like that eh nung iwan siya ni Carmina.

"Ikamusta mo na lang ako sa kanya, Mara ah?" Anna said

"Makakarating, Anna"

***

"Kagabi nag usap kami ni mommy" Anna started while I am driving. Tinignan ko lang siya sandali then on the road again. Papunta kasi kami sa school ng mga kapatid niya para sunduin ang mga yun so we can go straight to our house tutal nakapagpaalam naman na sila sa mommy nila.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon