Chapter 9: Anna

16.2K 522 43
                                    

Author's Note:
Sorry kung medyo matagal updates. Im kind of busy dahil nago OJT po ako! Teacher ang peg ng lola niyo ngayon kaya ayan abalang tunay talaga XD

No Buts
Kanina ko pa pinag iisipan kung tatawagan ko ba yung lalaking nag offer sakin ng tulong if wala na akong choice. His name is Chaser Sta. Romana

Tinulungan kami ni Mr. Sandoval for one last time pero ako na rin ang tumanggi nung bandang huli dahil alam kong wala naman ng pag asa. Yung school na pinuntahan namin nung nakaraan hindi kami tinanggap dahil puno na ang lahat ng klase. Sabay yung tuition fee pa na babayaran. May scholarship naman sila pero malaki pa rin talaga yung babayaran. Base sa estado ng buhay namin alam kong malabo yun.

"Ate pasukan na next week. Ikaw na lang ang hindi nakakapag enrol" paalala pa sakin ni Zeke kaya mas lalo akong nag alala. Kasi sila ni Tam nakapag enrol na doon sa public school na papasukan nila kaya okay na silang dalawa. Ako na lang talaga ang problema

"Di ba may nakilala kang tutulong sa'yo? Bakit hindi mo subukan tawagan?" sali ni Tam sa usapan

Tinignan ko yung orasan and it says na alas nueve na ng gabi. Gising pa kaya siya? Eh paano naman kung may ginagawa tapos maka istorbo ako?

But I have to take risk. Huminga muna ako ng malalim pagtapos ay kinuha ang cellphone ko para tawagan yung number ni Chaser na may isang linggo na rin nakatambay sa phonebook ko.

Ring ng ring pero walang sumasagot. Ibababa ko na sana pero bigla ko naman narinig ang boses niya

"Hello?" alanganing tanong niya. Sa background niya dinig ko na malakas ang music at may mga nagsisigawan. Wrong timing ata talaga ako dahil mukhang nasa party siya

"Hello sino to?" ulit niya and this time medyo humina yung music dahil baka lumayo siya.

"Uhm, si Chaser Sta. Romana ba to?" tanong ko pa rin kahit alam ko naman na siya tong kausap ko

"Yes. And may I know who's this? Wag ka na makipaglaro sakin because seriously I am in a party right now" bakas sa boses niya ang inis

"Ay ganun ba? Sorry sige tatawag na lang ako bukas. Anyway si Anna pala to. Yung nakilala mo nun sa school tapos pinagbigyan mo ng number"

Akala ko ibinaba na niya dahil tahimik lang siya. Siguro iniisip niya kung ano yung sinasabi ko.

"Sorry I am just surprised. I've been waiting for this call for some time now and it's just.. Anyway Princess Anna, what can I do for you?"

Bigla akong nagdalawang isip dahil inatake naman ako ng hiya. Pero desperado na ko!

"Uhm, di ba sabi mo nun kapag wala na akong matakbuhan, kontakin kita? Eh ganun kasi ang nangyayari sakin ngayon" I said slowly

Narinig ko siyang huminga "Can I meet you tonight?" tanong niya which caught me

"E di ba nasa party ka?" I asked back dahil nakakahiya naman kung aalis siya doon para sakin. Baka mamaya birthday yun ng kaibigan niya o kung sinong mahalaga sa kanya

"I can ditch this. So ano, can we meet? Para kung anoman ang mapag uusapan natin maayos ko kaagad first thing in the morning"

Kahit na nahihiya talaga ako, isinantabi ko muna yun

"Okay sige. Saan mo ba gusto?"

"Saan ka ba malapit? May fastfood ba or restaurant na malapit dyan?"

"McDonalds lang"

"Then we'll meet there. Pakitext na lang sakin ang address"

Nagbihis naman ako ng simpleng dress para kahit paano presentable ako mamaya naitext ko na rin sa kanya yung pinaka malapit na McDonalds samin which is a half kilometer mula dito sa bahay.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now