Chapter 13: Anna

14K 533 53
                                    

Confessed

"Zeke, bilisan mo naman maligo!" sigaw ko at sunod sunod na kinalampag ang pintuan ng banyo.

"Oo, malapit na!" he shouted back for the nth time pero hanggang ngayon nandyan pa rin siya sa loob.

Kung minalas nga naman kasi ako. Imagine, seven o clock ang pasok ko. Nagpa alarm ako ng five am but I didn't know what happened dahil hindi ko narinig yung alarm! Kung hindi lang nagising si Tamara for sure humihilik pa rin kami ngayon. Six fifteen na! Eh babyahe pa ako! Ugh, ayoko pa naman na makakuha ng atensyon! Gusto kong maka graduate as a wallflower kaya hindi maganda na ganitong unang araw pa lang mapag uusapan na ako.

First day rin kasi nila ngayon kaya nagkasabay sabay kami. Mabuti na nga lang may Koko Krunch doon sa mga pinamili ni Luke kaya hindi na ako na obliga magluto ng almusal namin.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan pumasok na ako kaagad at nagmadali na. Hindi ko nga alam kung nakaligo ba ako ng maayos dahil wala pa ata akong fifteen minutes na naligo pero mas okay na to kaysa hindi makapasok.

Biglang tumunog ang phone ko and I saw a Chaser's name. Agad ko naman na sinagot yun habang nagbibihis na ako ng uniform namin na palda.

"Hello?" salubong ko sa kanya

"Hey, good morning! Ready ka na ba? Nandito kasi ako sa McDo and I am just wondering kung pwede tayong magsabay pumasok"

"Nakakahiya, wag na. Tsaka baka ma late ako. Anong oras na kasi ako nagising, paano hindi nag alarm yung cellphone ko" I said apologetically dahil baka isipin niya na binabalewala ko yung opportunity na binigay nila sa'kin ng daddy niya.

Nung matapos na ako magbihis nagtatatakbo na ako pababa kung saan naghihintay na si Tamara since kanina pa siya nakaayos. Badtrip ang bagal talaga kumilos ni Zeke!

"Zeke, kaunting bilis naman!" sigaw ko na naman

"Oh ayun naman pala. Kaya dapat lang na sumabay ka na sa'kin. May dinadaanan akong shortcut papunta dun so I assure na makakarating tayo on time" pansamantala nakalimutan ko na kausap ko pa nga pala si Chaser at nate tempt na ako sa offer niya.

"Sige kakapalan ko na ang mukha ko. Pero ngayon lang ah? Desperado lang kasi ako na makapasok ngayon on time. Ang pangit naman kasi di ba kung first day pa lang late na ako?"

Natawa siya "Yep. Kaya hihintayin kita dito"

"Sige sige darating ako sandali lang" in end ko na yung tawag at aakyatin sana si Zeke pero sakto naman na pababa na siya

"Para kang babae, napakabagal mo! Tara na!" singhal ko at nagmadali na nga kami.

***

Hindi ko naman na kailangan ihatid sila sa school dahil kaya na nila pero hinintay ko na makasakay sila ng jeep. Nung hindi ko na sila matanaw saka ako nagtatakbo papunta sa McDonalds. Natanaw ko kaagad si Chaser kaya nagmadali na akong tumawid.

Until suddenly bigla na lang akong napahinto dahil sa malakas na busina

"Miss, magpapakamatay ka ba?!" sabi sakin ng driver mg FX na muntik na makasagasa sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Muntik na talaga ako as in

"Sorry po!" hinging paumanhin ko na lang and about to walk pero bigla akong hinawakan ni Chaser

"Gago ka ba? Naka stop naman nung tumawid siya eh!" sigaw niya doon sa driver at nilapitan pa yun

"Sino ka ba at ang pakialamero mo?!"

"Chaser.." awat ko dahil bukod sa marami na ang bumubusina dahil nakaharang kami, ayoko naman na mapaaway pa siya dahil sa'kin

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now