50. New Beginnings

17.1K 428 149
                                    

"Who made you this way? And do they still matter?"
- Don't let someone who is no longer in your life affect you.

Beatrix

The next day, I woke up way earlier than my usual wake up time.

I don't know why, but there's this tingling feeling in my stomach. Parang naeexcite ako na ewan.

I changed my pyjamas to running clothes. I feel the need to run.

Pagkatapos kong magbihis ay dali-dali akong bumaba ng hotel. Gusto kong maabotan ang sunrise.

Isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sakin mula sa dagat. Kahit hindi dito banda ang sunrise ay napakaganda pa din ng langit.

Sunrise...

"New beginnings..."

Napangiti ako. Panibagong yugto na naman ng buhay ko.

"Welcome to the real world, Beatrix." Napapikit ako. But bago ako tumahak sa landas na yan ay kailangan ko muna itong break na'to.

Magsisimula na next week ang trabaho ko. Of course, sa firm ako ni Daddy magtatrabaho.

I feel so happy and contented.

Lovelife na lang ang kulang!

Natawa ako sa naisip ko. I'm still young though, no need to rush. At isa pa, may isang tao na nagpapangiti sakin. It's more than enough for me.

Napatingin ako sa paligid. Feeling ko may nakamasid sakin pero nang nilibot ko naman ang paningin ko, wala naman.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagja-jogging and after an hour, bumalik na ako sa hotel.

Pagkapasok ko sa kwarto ay gising na silang lahat.

Nasa isang suite room kasi kami at may dalawang kwarto. Yung isang kwarto ay si Luis ang gumamit tas kaming girls ay nasa mas malaking kwarto.

"Ang aga nyo namang nagising?" Takang tanong ko. Paano ba naman kasi, lahat sila lasing kagabi.

Nung una kasi wine lang ininom namin, pero nung palalim na ang gabi ay Jose Cuervo na. Kaya ayan, puro may hangover. Maliban sakin na dinadaya sila.

"Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Sophia.

"Pati katawan ko." Dugtong ni Mia.

"Dami nyo kasing ininom, para wala ng bukas." Napapailing na sabi ko.

"Nagjogging ka?" Takang tanong ni Emma.

Tiningnan ko ang suot ko. "Ahh? Obviously?" Pumasok na ako sa cr at naligo tsaka nagbihis.

Pagkatapos ko ay ginising ko ulit sila. "Mag-ready na kayo. Nag-order nako kanina ng breakfast for us at gamot sa hang-over."

Sumang ayon naman sila kaya lumabas na ako at pinuntahan si Luis. Fortunately, gising na din sya at may kausap sa phone.

"Yes, kami ng bahala nun. Yakang yaka namin yan." Sabi nya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Sino kayang kausap nito?

Di ko muna sya inistorbo at hinintay sya dito sa may pintuan. At nang matapos sya ay hihiga na sana ulit sya ng nakita nya ako.

"Oh my God! Trix! Bakit ka nanggugulat?" Halata sa mukha nya na nagulat talaga sya.

Napapailing lang ako. "Sino yun? Ang aga naman ng mga transactions mo?" Taas kilay kong tanong at humalukipkip.

Biglang umilap yung tingin nya sakin. Hmmmm... Parang may tinatago tong baklang to sakin.

Chasing Pavements (GXG)Where stories live. Discover now