39. Almost

18.1K 392 158
                                    

Beatrix

"Trixie? Di pa ba tayo matutulog?"

Umupo sa tabi ko si Emma. Nasa reception area kami ngayon. Dito ko napagpasyahang maghintay kay Madison at sinamahan naman ako ng katabi ko ngayon.

Anong oras na, wala pa din sya. Off pa ang phone nya. Hay, eto na na naman kami.

"Mauna ka na Ems. Hihintayin ko lang sya dito." Alam naman nya kung sino ang tinutukoy ko.

Nakatingin lang si Emma sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Pero kalaunan ay bumuntong hininga naman sya.

"No, sasamahan na kita." Sabi nya sabay sandal sa upuan.

"Oy, okay lang ako dito Ems. Andyan naman yung guard tas receptionist." Pilit na ngumiti ako sa kanya. May klase pa kaya sya ng maaga bukas.

Umiling iling lang sya kaya wala na akong nagawa. Iniisip kong sumama nalang sa kanya papunta sa kwarto namin pero talagang gusto kong ma-sure na nakauwing ligtas si Madison.

Tinawagan ko sina Dan kanina, sabi nila maaga daw umalis. Tatawagan nya na lang daw ako kapag umuwi sa condo nila.

Pagtingin ko sa wrist watch ko ay hatinggabi na. Napatingin ako sa katabi ko at nakapikit na ito habang nakaupo.

Ayoko ng mandamay ng ibang tao kaya kahit ayoko pa ay naisipan kong umakyat na. Maaga din klase ko bukas.

Pagkahiga ko sa kama ay tumagilid ako paharap sa wall. Kung saan nandun ang napakalaking teddy bear at nakaupo. This was gifted to me by Madison nung first monthsary namin.

Halos sa kanya na ang space ng bed ko pero okay lang, mas nakakatulog naman ako kasi minsan ginagawa ko na syang unan.

Ang laki na ng pinagbago ko. Noon hindi naman ako ganito kung mag-alala sa isang tao. Kalma lang ako kahit na sa loob-looban ay hindi. Pero ngayon masyado na akong paranoid. Ang dali kong mag-alala para kay Madison.

Speaking of Madison, asan na naman ba yung lokarit na yun? Kanina ang paalam nya kasama nya sina Dan tas umalis pala.

Kinabukasan ay derecho kong tiningnan ang phone ko kung may text or tawag si bayawak pero wala.

Kaloka. Ang dami kong texts at calls sa kanya kagabi tas ni ha o ho wala man lang akong natanggap galing sa kanya.

Nagtext ulit ako sa kanya bago tinry na tawagan sya pero out of coverage pa din.

Kahit na naiinis na ako ay nagpasya na akong bumangon at magprepare. Sabay na din kami ni Emma kumain sa baba.

"Ano na naman ba yang mukha mo bruh? Ke aga aga nakabusangot ka na naman dyan." Si Luisita. Nasa classroom na ako ngayon at as usual, sya ang aking dakilang seatmate.

"Hulaan ko, si Madison na naman ang dahilan nyan noh?" Dugtong pa nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Pwede ba? Wag nating pag usapan yung pangit na bayawak. Naiinis ako."

Tumaas ang kanyang dalawang kamay. "Woah. Easy, tiger!"

Inirapan ko lang sya at sakto namang nag-umpisa na ang klase kaya tumahimik na sya. Until now wala pa din akong natatanggap na text. Nasa kamay ko lang ang phone ko at kahit na nakasilent ito ay mararadaman ko pa din kung may nagtext or call dahil naka vibrate ito.

Pero wala. Natapos ang lahat ng klase ko ngayong araw na walang Madison na nagpapakita or nagpaparamdam.

Ano ba naman yung magsabi sya kung saan sya dba? Para hindi ako maloka sa kakaisip kung anong nangyari sa kanya.

The night came and I waited again. I couldn't even eat properly because I was really worried for her.

Damn Madison, konting konti nalang talaga yung pasensya ko.

Chasing Pavements (GXG)Where stories live. Discover now