20. Bestfriends?

25K 517 67
                                    

Beatrix

Parehas naman naming naenjoy yung breakfast namin. Napansin kong naging favorite na nya yung waffle, kaya next time pag-aaralan kong gawin yun.

"Bayawak, aalis pala ako mamaya." Sabi ko habang iniinom yung hot chocolate ko, na hindi na hot.

Napatingin naman sya sa'kin na parang nagtataka. "Where are you going? Who's with you?"

"I'll be with Emma. Kakain lang kami sa labas, since hindi daw sya nakasama sa night out namin nila Sophia." Pagpapaliwanag ko naman.

Nakatitig lang sya sakin.

"Madison?" Pukaw ko sa kanya.

"Kasama mo yung ibang friends mo?" Tanong nya.

Umiling naman ako. "Kami lang ni Emma."

"Kayo lang dalawa?" Tanong nya ulit.

Tumango naman ako. Ilang segundo syang hindi nagsalita bago bumuntong-hininga.

"Okay.."

Nginitian ko muna sya. "Hindi mo ako kikidnapin?" Gusto ko lang makasigurado. Baka topakin na naman kasi sya eh.

"Let's see." Parang wala lang na sagot nya kaya hinampas ko sya sa braso.

"Bayawak naman eh. Lagi mo nalang ako kinikidnap kapag may iba akong kasama!" Sabi ko sa kanya na naka-pout.

Natawa naman sya sa reaction ko. "Fine, fine! I won't. In one condition."

Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis. "Ano yun?"

"Ako ang maghahatid sayo sa place at susunduin kita pag uuwi na kayo." Seryuso nyang sabi.

Natigilan naman ko.

Errr, paano yan? Hindi pa alam ni Emma yung tungkol saming dalawa ni Madison.

Bahala na nga. Okay nalang din kasi wala naman akong balak na itago na nagkakamabutihan na kami ng bayawak na'to.

Mabuti na din na aalis kami ni Emma para at least masabi ko na sa kanya yung tungkol sa'min ni Madison.

Nginitian ko sya at tumango, "Fine."

~*~

Nasa labas na kami ng restaurant ni Madison kung saan kami kakain ni Emma. Nauna na yung bestfriend ko dito, buti nga hindi sya nagtaka na susunod lang ako.

"Don't forget to call me." Sabi ni Madison.

Ilang beses na nyang painaulit-ulit sa'kin to at palagi namang oo ang isasagot ko sa kanya.

"Yes po. Lalabas na ako ha. Wag kang mambabae ha." Pagpapacute ko na sabi.

"Ikaw nga dyan yung may ka-date eh." Reklamo naman nya.

"Asus." Piningot ko ang ilong nya. "Pati bestfriend ko pinagseselosan mo."

"I'm not jealous, Beatrix."

"Talaga?

"Yes. 'Cause I know you're head over heels for me."

Natawa naman ako tinuran nya. Well, totoo naman.

"Glad to know you're aware. Sige na, see you later."

Huminga naman sya ng malalim at hinalikan ako sa noo. "Yes, laters."

Napangiti naman ako at pinagbuksan na nya ako ng pinto.

Pagpasok ko sa restaurant ay napansin kong parang walang ibang tao. Parang ako lang ang nasa resto, except sa mga staff dito.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon