2. Second Meeting

47.5K 870 54
                                    

Beatrix

"Good morning everyone! Welcome back to Athena Dormitory and for the new students, we would like to welcome you here."

Nag-iwas ako agad ng tingin at binaling nalang ito sa babaeng nagsalita sa harap.

"But before anything else. You can now take your seats."

Umupo naman kami kaagad at as much as possible ay iniiwasan kong mapatingin dun sa babaeng nabangga ko. How could I ever forget her? She's the most rude person I know. I just didn't expect na parehas pa kami ng dormitory, sa laki ba naman ng lugar na'to diba?

Ayoko na pa namang magkrus ung landas naming dalawa. Naiinis lang ako kapag naiisip ko yung nangyari at kung paano nya ako sinabihang stupid.

"Ako lang ba or parang may tinitingnan si Pres dito." Narinig kong bulong ni Emma. I'm not sure kung sa'kin but napatanong nalang din ako.

"Ha? Sinong Pres?"

"Yung pinakamatangkad, sya yung President sa dorm and also the SSG Governor."

Pinakamatangkad?

Napatingin ulit ako sa stage at isa lang yung nag stand out dahil sa OA naman yung katangkaran nya. So meaning to say, yung nakabangga ko nung isang araw ay...

"Ohhh." I don't know what to say. Makakabangga nalang ako, dun pa sa kilalang tao.

"She probably know someone around here." Kibit-balikat kong sagot, pero yung totoo medj kinakabahan na'ko.

"Probably. "

Nagstart ako ng ibang topic kay Emma kasi ayokong pag usapan na yung babaeng yun. As much as possible, ayokong magcross pa ulit ang landas namin kasi ang hirap naman nun, baka mabully pa ako ng wala sa oras.

Teka, college na'to so di na dapat uso ung bullies. Dapat mature na kami dito.

Ewan ko ba pero unconsciously napatingin ulit ako sa babaeng nakabangga ko and I'm not sure kung namamalikmata ako or what, but she smirked. Lumapit sya dun sa nagsasalita kanina at may ibinulong.

"Girls ang weird nya today. Look, before derecho lang ang tingin nya. Di yan lumilingon kung saan-saan. But now... she's looking at somebody." Sabi ni Sophia habang nakatingin sa'kin.

"She's showing an emotion right now. Scary" Sabat naman ni Mia.

"Talaga ba?" Umusog ako konti para matakpan ako. I'm not sure naman kung ako ung tinitingnan nya pero mas mabuti na yung safe. Tsaka hindi ko kinakaya yung titig nya.

"Attention everyone. We will personally welcome the new students today. Lahat i-she-shake hands namin, one by one. All new students, please stand up!"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Seryuso ba sila? Ano ba 'to, highschool? Malala pa nga kasi wala namang ganito sa highschool eh.

"Wow! Ang swerte nyo Trix!" Exagg na sabi ni Sophia.

"Ang oa mo naman. Para yan lang." Sabat ni Mia.

"Hello!!! Girl crush ko kaya si Pres!" Sabi ulit ni Sophia.

"Blah blah blah!" Si Mia na annoyed na annoyed sa katabi nya.

"Again ALL new students, please stand up." Napatingin ulit ako sa nagsalita. May conviction na kasi ang pagkakasabi nya eh. Eh madami naman ng nakatayo na.

Ako ayoko. Bahala sila basta ayoko.

"Oy Trix, bakit ayaw mong tumayo? Tayo ka. First time kaya to." Tanong ni Mia.

"Ha? Anong first time?" Gulat na tanong ko. Akala ko naging ritual na nila ang iwelcome personally ang mga bagong students sa dorm.

"Ano ka ba! Never ginawa to ng mga officers. Well, I don't know about the previous years but sa time namin walang ganyan. Welcome speech lang keme tapos okay na. Tumayo kaya ako di naman siguro nila mapapansin na Sophomore na ako." Excited na sabi ni Sophia.

Chasing Pavements (GXG)Where stories live. Discover now