28. Preparations

20.9K 415 34
                                    


Beatrix

"Woaaahh! Talaga? Sasali ka sa Miss SVU, Trix? Wow!" Gulat na tanong ni Sophia. "Omg!! Omg!! I'm so excited." Dugtong pa nya.

Parang gusto ko namang lumubog sa kinauupuan ko kasi naman, okay lang kung nasa pribadong lugar kami. Kaso wala eh. Andito kami sa dining area ng dorm. At maraming napatingin samin. Napa-facepalm tuloy ako wala sa oras.

"Hinaan mo nga ang boses mo monks. Nakakahiya ka talaga. Parang ikaw yung sasali ah." Saway ni Mia. Hindi naman sya pinansin ni Sophia.

"Excited na ako. Bring home the crown, girlie!" Sigaw pa nya ulit.

God, nakakahiya talaga.

Okay lang sana kung ginusto kong sumali, but I was forced to join the pageant. Ako ginawang representative ng department namin.

"Pagpasensyahan mo na yan si Fi, Trix. Dream din kasi nyan sumali kaso walang gustong pasalihin sya." Iling na sabi ni Emma.

Sinamaan naman ng tingin ni Sophia yung dalawa kaya natawa nalang ako. Hindi pa din nagbabago tong tatlo.

"Excuse me, ako kaya ang laging humihindi sa kanila. Gustong gusto kaya nila akong sumali kaso ayoko lalo na't alam kong kasali si Trix. Gigive way na ako para sa kanya." Sabi nya sabay flip sa hair.

"Oh talaga? Kelan ka tinatanong?" Tanong ni Mia.

"Nahiya naman si Trixie sayo, ikaw pa talaga ang nag-give way dba?" Sarcastic na sabi ni Emma.

"Sus takot ka lang kay Trix." Si Mia.

Napapailing nalang ako sa kanila. Kahit ganyan naman yan sila, ramdam ko din talaga yung full support nila sa'kin.

Pero ngayon palang kinakabahan na ako sa darating na beauty pageant. Paano nalang kung ma backdoor ang beauty ko?

"But on a serious note, we're happy for you Trix. Not everyone have the guts to join such competition." Seryusong sabi ni Mia.

"So are you saying I don't have the guts?" Taas kilay na tanong ni Sophia.

"Pwede ba? Hindi ka kasali sa usapan."

"Magsitigil nga kayo. Pinagtitinginan na tayo dito eh? Nakakahiya kayo maging kaibigan!" Saway ni Emma.

Napapangiti nalang ako. "Seriously guys, it's not like gusto kong sumali sa pageant pageant na yan. Honestly, gusto ko ng magback-out." Sabi ko habang nakatungo.

"Waaaagg!" Sigaw ni Sophia. Napatingin naman sya sa paligid at halos lahat na nga ay nakatingin samin. "Peace." Sabi nya habang naka-peace sign.

Napatingin ako sa bandang unahan. Andun si Madison katabi ni Felicity. Napatingin din ito sakin sabay ngiti, kaya napangiti na din ako.

"Ayan. Uso kain bago landi." Natatawang sabi ni Sophia na senigundahan ng dalawang kasama ko.

Parang nahiya naman ako sa sinabi nya kaya nag-iwas na ako ng tingin at kumain nalang.

Namiss ko tuloy kumain ng breakfast kasama si Madison. Napagkasunduan kasi namin na medyo lowkey lang sa relasyon namin. Medyo lang naman. Sabi nga nila, "make it private, but not a secret."

Ayoko namang pagchismisan lang ang relasyon namin. Ayokong gawing big issue 'to kasi hindi naman kami celebrity. Si Madison lang naman talaga yung sikat dito.

Napapangiti nalang ako kapag naiisip ko na girlfriend ko nga pala ang SSG Governor ng university na'to.

Sino nga ba ang mag-aakala na magkaka-girlfriend ako? I was straight as a ruler when I came here, but now I'm so gay for Madison.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon