1. First Day

92.6K 1.1K 61
                                    

Beatrix

"Woah! This place looks amazing!"

I can't help myself from being mesmerized by this university. Paikot-ikot lang ang tingin ko sa paligid, hindi alintana ang mga nakakasalubong ko na kapwa-estudyante.

Ang lalaki ng mga puno dito kaya kahit mataas na ang sinag ng araw ay hindi pa din ako naiinitan.

"And this place is huge. Grabe! Di ko ata malilibot tong school nato sa isang araw eh." Nakangiting sabi ko.

Manghang mangha talaga ako sa nakikita ko habang naglalakad papunta sa dorm. Yes, you heard it right. May dorm sa loob ng university. Cool, isn't it?

The urban planning of this university is so organized and exquisite. There are big parks where students can hangout and do some outdoor activities, a big field and gymnasium for sports, libraries, and the list goes on. In fact, there are also restaurants and coffee shops inside. Hindi ko na maiisa isa pa kung anong meron dito dahil hindi ko pa naman nalilibot ito.

My mom and dad graduated here at dito na din sila nagkakilala. Dito din grumaduate ang nag iisa kong kapatid na lalaki, so I guess it's totally obvious why I chose to study here.

I was too engrossed looking at the surroundings that it was too late for me to realize na may mabubunggo na pala ako.

"Shit!!"

"Urghh..." I groaned. Actually hindi naman akong masyadong nasaktan sa pagkakabangga ko dahil may malambot na taong nakasalo sakin.

"The fuck! Are you blind?"

Nagulat ako slight sa galit nang nadaganan ko lalo pa't sapul pa ata sya sa mukha. Ikaw ba naman mag-dive sa walang tubig.

Urgh, Beatrix, not a good time to make a joke.

Dali-dali naman akong napatayo at inabot ang kamay ko sa kanya para tulongan syang tumayo.

"I can manage." Tumayo ito agad at naging busy sa pagpapag-pag ng nadumihan nyang damit.

"Err, I'm sorry." Hinging paumanhin ko. I admit, sobrang clumsy ko talaga.

Lumingon sya sa'kin at hindi ko alam kung bakit parang mas nagulat pa ako nang makita ang mukha nya. Nakakunot at galit na yung mukha nya pero damn girl, she's really beautiful. Hindi nakabawas yung namumula at madumi nyang pisngi—dahil sa pagkaka dive nya — sa kagandahan nya.

"Woah." Mahinang sambit ko. Kung bakit yun ang nasabi ko, hindi ko din alam.

Her beautiful brown eyes looked at me in confusion. "What?"

Natauhan ako bigla sa sinabi nya. Her voice is so deep at para itong nagbibigay ng isang warning. Kung anong warning ito, hindi ko alam.

What is wrong with me?

I unconsciously stepped forward and touched her cheek. Gulat naman itong napatingin sa kamay ko na nililinis yung dumi sa mukha nya.

"What the hell are you doing?" Kunot noong tanong nito at hinawakan ang kamay ko.

Jusko, ang aga-aga magmura ng babaeng ito ah. Di ko naman kasi sinasadya  na mabunggo sya.

"S-sorry, may dumi ka kasi sa pisngi." Paliwanag ko dito.

Pabalang naman nyang binitawan ang kamay ko at medyo nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa ginawa nya. Jeez, she's so intense. Galit na galit, gusto manakit?

"Whatever. Next time, wag kang tatanga-tanga." Sabi nito habang napapailing at iniwan akong mag-isa.

I was speechless. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganun ka rude na tao and I am not used to confrontations.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon