38. Ghost of Her Past 2

16.1K 351 83
                                    

Beatrix

I love how Madison take care of her mother. You can really feel her love and respect for her.
Kahit na may kalungkutan sa kanyang mga mata, alam kong hindi nya susukuan ito.

Kanina sabi nya na nag-iipon pa sya para ipagamot ang mommy nya sa ibang bansa. Mas magaling daw ang mga doktor doon.

Humahanga talaga ako sa katatagan ng bayawak na'to. Kung ako siguro sa sitwasyon nya, nabaliw na siguro ako o di kaya nagpatiwakal. Pero echos lang, syempre katulad nya, lalaban din ako.

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto nya habang pinapatulog nya pa si Tita Madeleine sa kabilang kwarto.

Simple lang ang kwarto nya pero maganda. Nakaupo ako sa di kalakihan nyang kama na sakto lang sa aming dalawa.

Napagpasyahan kasi naming mag-overnight, matagal-tagal na din kasi nung huli nyang bisita dito.

Nakakatuwa din sina Nanay Cora at kanyang anak na si Sheena. Parang ikalawang anak na din nya si Madison. Habang wala ito, sila talaga yung nag-aaalaga sa mommy nya.

"Anong iniisip mo?"

Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.

"Bayawak!!!" Sambit ko.

Natawa naman sya sakin at lumapit mula sa pagkakatindig nya sa may pinto.

"Did I scare you?" Umupo sya sa harap ko at hinawakan ang aking pisngi. Nakakailang yung mga titig nya sakin.

"U-umm.. K-kanina ka pa ba?" Utal-utal na tanong ko.

"Yes. Kanina pa kita pinagmamasdan. Ang lalim ng iniisip mo. Care to share?"

I suddenly have this urge to hug her, so I did.

"Nothing, really."

Niyakap naman nya ako ng mahigpit. "Ang sweet naman ng babe ko! Anong meron?" Tanong nya habang kayakap ako.

Kumalas ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. "Ang very good mo kasi kaya you deserve a hug." Ngiti kong sabi.

Bigla naman nya akong kinabig sa bewang. "O talaga? Samahan mo na din ng kiss." Sabay halik nya sakin.

Akala ko nung una ay smack lang ito pero nagulat ako ng gumalaw yung labi nya. Automatic naman na napapikit ako.

Marahan at dahan-dahan lang nya akong hinahalikan. Maingat ito at puno ng pagmamahal. Ramdam na ramdam ko yun sa mga halik nya.

Tama nga sila, minsan malalaman mo yung nararadaman ng tao para sayo sa kung paano ka nya halikan.

I want a soft love, a love that's so gentle, a love that's sweet. I want a love that wakes up and smiles at me everyday. I want this kind of love with Madison.

Hanggang sa naramdaman ko naman na nag-iiba na yung ritmo sa paghalik nya sakin. Kung yung una ay dahan-dahan lang ito, ngayon ay mas diniinan na nya ito.

Hindi ko naman maiwasang mapa-moan ng kinagat nya ang labi ko at ng mapaawang ito ay pinasok nya ang dila nya. Nagulat man ay nagustuhan ko naman ito.

Narinig ko din nag-moan sya sabay kabig sakin para mas mapalapit sa kanya. Napahawak naman ako sa batok nya para kumuha ng suporta.

Pinaglaruan nya ang dila ko at sinipsip ito. Unti-unting nag-iinit na yung pakiramdam ko lalo na nung mapansin kong nasa loob na ng damit ko yung kamay nya at hinimas-himas ang tiyan ko.

Halos malunod na ako sa mga halik nya nang bigla syang tumigil. Hingal na hingal sya at ganun din ako. Pagtingin ko sa kanya ay nakapikit sya na parang nakikipagtalo sa sarili habang magkadikit yung mga noo namin.

Chasing Pavements (GXG)Where stories live. Discover now