48. One Step at A Time

17.4K 493 173
                                    


And I don't want to go on pretending. That it's gonna be a happy ending....
It will never be the same without you, baby. This pain inside me is driving me crazy. 'Cause it's hard to love again... 🎶

Beatrix

Nagising ako dahil sa napakalakas na kulog. Dali-dali akong napatayo pero napaupo din dahil sa pagkaka-out balance. Namali ang pagkakatapak ko dahil sa sobrang dilim.

Kasabay ng kidlat ay ang pagdagundong ulit ng napakalakas na kulog. At sya namang pag-buhos ng ulan.

"Waaahhhh!!!"

Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang takot. Sumiksik ako sa kung saan para lang makapag-tago.

Kumidlat ulit at isang malakas na kulog na naman ang narinig ko. Tinakip ko na ang kamay ko sa tenga ko para hindi ito marinig pero ganun pa din.

No! Please stop!

Ayoko sa kulog! Ayoko sa dilim.

Paano ba ako napunta dito?

Isa lang ang minahal nya all her life. And that was Jinan...

Parang bigla ko naman narinig ang boses ni Feli.

"Jinan..."

Nasa Jinan ako.

Naaalala ko na ang lahat. Kumulog ulit at napatakip ako sa tenga ko at napasigaw.

Nasa Jinan ulit ako. Nangyari na din to sakin noon. Na-trap ako dito dahil sa nakatulog ako.

Ganitong-ganito din. Kasinglakas ng kulog ang buhos ng ulan. Pero ang kaibahan lang ngayon ay kasinglakas din ng buhos ng ulan ang daloy ng luha ko.

Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito? Bakit ko nararanasan 'to?

Kumulog ulit at nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa lamig at takot.

Do I deserve this?

Kumulog ulit ng pagkatagal-tagal. Humagulgol na ako sa pag-iyak.

Sobrang naaawa na ako sa sarili ko. Ang swerte-swerte ko naman ng araw na'to. Nasaktan na nga ako, na-trap pa sa napaka dilim na lugar.

There's no one to be blamed, but me. I'm an intruder.

Ang kapal-kapal naman ng mukha ko na umasa na tunay akong mamahalin ng isang Madison Madrigal.

Kumulog ulit at napayakap ako sa tuhod ko. Hinayaan kong marinig ang pinakatatakutan ko.

Does covering my ears and eyes really make that big of a difference?

Kahit pa anong gawin ko, maririnig at maririnig ko pa din ito. Might as well get used to it.

Sana ganun din sa nararamdaman ko ngayon. How can I get used to this pain?

It sucks how you can give someone everything they ever wanted, love them endlessly, be completely faithful to them, but then they still hurt you.

How long do I have to endure this pain? And how long can I ever get over this?

Napapikit ulit ako ng kumulog ng pagkalakas-lakas. Wishing that someone could save me from this misery.

Wishing that it'll be her.

Ano ka ba naman, Beatrix! Wala na nga sya diba? And did you really expect her to care? Wala na syang pakialam sa'yo!

Nakakainis! Ayaw namang tumigil nitong luha ko. Punas lang ako ng punas. Walang katapusang pagpupunas.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon