49. Sweetest Downfall

17.8K 412 133
                                    

"The most beautiful thing we can learn, is how to let go;
of grudges,
the past,
poisonous people.
It's a great measure of courage."
--iambrillyant

Beatrix

It's been 3 days since I went home and I only have 6 more days left before I go back to Manila.

I'm taking up some summer classes para maka-catch up naman ako at hindi ma-behind sa batch namin.

Sa loob ng tatlong araw, wala na akong ibang ginawa kundi magmukmok. Maagang babangon para tingnan ang sunrise na kitang-kita sa terrace namin, kain tas tulog, at babangon ulit para pumunta ng beach at tingnan ang sunset.

I do feel bad about failing some of my subjects. Buti nalang napaka-understanding ng parents ko at sinusuportahan pa din nila ako. Pero mostly naiisip ko lang yung masasayang araw na kasama ko sya. At kung paano bigla nalang nawala lahat ng iyon sa isang iglap.

Napaka-overdue na nga ng pagmomove-on ko. But seriously, may deadline ba ang pagmomove on?

Napapikit ako ng may kumatok. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pa din minumulat ang mata ko.

"Isabella, anak, alam kong gising ka."

Si daddy pala.

I know I can't fool him, so I opened my eyes. Napabuntong hininga ako at umupo.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. "Sabi ng mommy mo lagi ka lang daw nandito sa kwarto. Nasan na yung anak namin na gustong gusto pumunta sa farm?"

Napatungo ako. I know sooner or later mapapansin nila yung pagbabago ko. Wala naman akong magagawa kasi wala talaga ako sa mood kumilos.

"May problema ba ang princess doll namin?" Tanong nya.

"Come on, princess. Talk to daddy. Umuwi talaga ako ng probinsya para lang makita mismo sa mata ko kung totoo ba yung sinabi ng mommy mo. Baka kasi nag-iinarte lang at namimiss ako." Natatawa nyang sabi.

Natawa na din ako sinabi ni daddy. Sya talaga yung joker dito sa bahay kahit hindi halata.

"Wag mo akong isumbong sa mommy mo ha? Baka patulugin ako sa labas."

"Eh okay lang po dad. Dito ka nalang din sa tabi ko." Natatawa ko ding sagot.

Natahimik ako ng hawakan bigla ni dad ang pisngi ko. Seryuso syang nakatingin sa mata ko. "Why is there sadness in your eyes?"

I never expected that question. Umiwas ako ng tingin kasi nararamdaman kong nangingilid na naman ng luha ang mata ko.

"Tungkol ba to sa sinabi mong subjects?"

That's one of the reasons, dad. Gusto kong isagot yan pero natatakot ako na kapag bumuka yung bibig ko ay kumawala din ang iniipon kong sakit sa puso ko.

Until when, Beatrix?

"Or tungkol sa isang tao?"

Napatingin ako sa kanya. Bakit ba kilalang-kilala ako ni daddy?

"Ahhh. If I'm not mistaken, isang taong kilala ko?"

Go straight to the point, dad. Wala naman akong maitatago sa'yo.

"Okay, let me be specific. Is this about that girl, Madrigal?" Tanong nya.

Sobrang lakas ng kabog ng didbib ko hindi dahil sa kaba o sa takot na alam ni dad ang tungkol samin, pero dahil sa pagmention nya ng apilyedo ng pinakamamahal ko.

"Dad..."

Nag-uunahang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Niyakap naman ako ni daddy.

"Hush now, princess."

Chasing Pavements (GXG)Where stories live. Discover now