34. Sembreak

19.9K 395 98
                                    

Beatrix

Ang bilis dumaan ng panahon. Tapos na ang 1st semester at sembreak na.

Napagpasyahang mag-outing ng friends ko at friends ni Madison.

"Ano ka ba, Fi! Umayos ka nga dyan!" Saway ni Mia kay Fi. Paano ba kasi, parang kiti-kiti, ayaw pumirmi sa upuan.

"What? Excited ako eh!" Sabi ni Sophia sabay irap.

Nasa 7/11 kami ngayon dala-dala na ang mga gamit namin. Hinihintay nalang namin sina Madison. Late na kasi kami nagising eh kaya babalikan nalang daw nya kami. Susunduin nya daw muna nya yung tatlo.

"Umupo ka nga. Ang sakit mo sa bangs!" Saway nya ulit.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Ang sakit nyo sa ulo!" Saway naman ni Emma.

Ilang sandali pang paghihintay ay nakita ko ng papasok ang nakangiting bayawak ko.

"Tsk tsk! Malala ka na Trixie." Natatawang sabi ni Sophia.

Ano ba kasi, bakit ganyan naman ka ganda ang girlfriend ko?

"Tara na?" Nakangiti nyang tanong sakin nang makalapit. Hawak-hawak na nya yung bag ko.

Tumango ako at kakausapin ko na sana sina Mia ng wala na sila.

"Nauna na sila sa sa van babe. Masyado ka kasing busy sa pagdedaydream sakin kaya hindi mo na napansin." Natatawang sabi nya. Kinurot ko naman sya sa tagiliran. "Aray babe!" Reklamo nya.

"Buti lang yan sayo." Sabi ko at nauna ng naglakad palabas.

Pagkarating namin sa van ay ang gulo na nila. Nasa driver's seat si Nicky tas nasa tabi na nito si Sophia.

Napataas naman ang kilay ko.

So si Nicky pala.

Nasa 4th seat sina Emma at Mia habang yung nasa 3rd seat ay sina Dan at Sky.

"Dan!" Tawag ni Madison sabay tapon kay Dan yung bag ko.

"Bwisit ka talaga dude! Ginawa mo pa akong porter." Sabi nito habang pinapasa kay Sky ang bag.

Natawa lang si Madison. "Dito na tayo babe." Turo nya sa 2nd seat. Napangiti naman ako. Mukhang nireserve na nya talaga tong seat na to ah.

"Sumakay na nga kayo para makaalis na!" Sigaw ni Dan.

Sumakay naman ako agad at sumunod si Madison at binatukan si Dan.

"Aray ha!" Babatukan na din sana ni Dan si Madison kaso napatingin ito sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hi Dan."

"Kung hindi lang dahil sayo Bea, talagang manghihiram ng mukha sa aso itong girlfriend mo." Natatawa nyang sabi.

"Gago! Bago mo yun magawa sakin, uunahan na kita." Sagot naman ng katabi ko.

Napapailing nalang ako. Ang kukulit.

"Okay guys, sit back and relax. To Tagaytay we go!" Sigaw ni Nicky na syang driver.

"Yes!!!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Nagbabyahe na kami ng tumahimik na sila. Yung iba nakatulog na. Si Sophia naman ay daldal ng daldal sa tabi ni Nicky.

Buti nalang din na sya yung nasa tabi nito, at least may karamay sya habang nagdadrive.

Nakayakap naman sa'kin si Madison habang nakapikit.

Napatitig lang din naman ako sa kanya. Ang amo-amo talaga nyang tingnan kapag natutulog sya. Nakakagigil kasi para syang bata.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon