35. Tagaytay 1.0

18.5K 381 78
                                    

Madison

"Wake up, sleepyhead."

Naalimpungatan ako dahil sa malambing na boses ng aking girlfriend.

Naramdaman kong pinaglalaruan nya ang mukha ko. Tinataas nya yung ilong ko o di kaya yung mata ko yung pinagdidiskitahan nya.

"Ihhh. Gising ka na naman pala bayawak." Sabi nya at umaktong lalayo sakin.

Kaya dumilat ako at bago pa sya makalayo ay sakop ko na sya sa bisig ko.

Ayan! Wala kang kawala sakin ngayon.

"Pinaglalaruan mo ang mukha ko ha. Humanda ka sakin ngayon!" Sabay ngisi ko.

"Waaah! Bitiwan mo ako Madison." Sigaw nya at pilit na nagpupumiglas.

Pero hindi ko sya hinahayaang makawala. Pati ang legs ko ay pinulupot ko sa kanya. Baka masipa ako ng wala sa oras.

"Na-uhh! May parusa ka sakin." Natatawa kong sabi sa kanya. "Wag ka ng magpumiglas babe. Hindi ka makakawala sakin." Dugtong ko.

Tumigil naman sya pero sinamaan ako ng tingin. "Bitaw bayawak!" Maawtoridad nyang sabi.

Umiling pa din ako. Anong tingin nya? Sya ang boss? Nooo! Ako ang boss dito. "Ayaw! Paparusahan pa nga kita." Sabi ko.

"Arghhh! Kainis ka talaga." Sabay labi nya.

Parang ang sarap tuloy kagatin yung labi nya.

"Di mo ba itatanong kung anong parusa mo?" Tanong ko.

Umiling sya. "Hindi!" Bulyaw nya sakin.

Aray! Sinigawan ba naman ako sa mukha ko. Ang taray talaga ng mahal ko.

"Oh edi sige! Dito na tayo forever." Sabi ko at mas hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. Hindi talaga sya makakagalaw kasi naiipit din yung kamay nya.

Pumikit ako at nilagay ang baba ko sa balikat nya. Hindi na sya umimik kaya di din ako umimik.

Okay lang naman sakin kahit habang buhay ko pa syang yakapin. Sarap kaya yakapin ang babe ko. Sobrang bango pa.

"Tumigil ka bayawak!" Reklamo nya. Sininghot-singhot ko kasi ang balikat nya papunta sa leeg.

"May magagawa ka ba babe?"

"Ugh! Oo na, sige na. Ano yung parusa?"

Napangiti naman ako. Sus, magtatanong din lang naman, pinapatagal pa. "Asus, kunwari ka pa, gustong gusto mo namang niyayayakap kita ng ganito."

"Ewan ko sa'yo. Ano na nga?"

Oopss, napipikon na ang babe ko. "Umm, simple lang naman babe." Ngisi ko.

"Ano nga?"

Talaga naman to oo! Hindi makapaghintay.

Tumingin ako sa mata nya pababa sa labi nya, pababa sa leeg nya, at finally... Sa dibdib nya. "Yun babe." Turo ko dito gamit ang labi ko.

Ngumisi ako bago tumingin pabalik sa mukha nya. Ang sama na ng tingin nya sakin.

"Bwesit ka! Ang bastos mo bayawak!" Sigaw nya at nagpupumiglas na naman.

Natatawa ako kaya mas madali syang nakawala sakin. Umupo sya tas kumuha sya ng unan at hinampas hampas ako.

"Aray aray babe!" Hindi naman talaga ako nasasaktan kasi unan lang yun tas parang wala namang pwersa yung paghampas nya.

"Kainis ka. Ang bastos mo. Ang manyak mo!" Namumula nyang sabi.

"Babe hindi ako bastos! Aray." Natatawa naman akong umiilag sa kanya.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon