Chapter 29: Kwentong first kiss

34 1 0
                                    

Ren's POV

"anong nangyari sa kanya?" tanong ni Chris kay Yui

"wala naman. baka naghugas lang ng kamay"

"sure ka? parang iba kasi yung itsura nya kanina eh. ano bang pinag-uusapan nyo Yui? tungkol ba sa nanay nya?"

"hindi, tungkol kay Enzo ang pinag-uusapan namin"

"oh" medyo sumimangot si Chris. selos? XD

"alam ko lang, huli naming pinag usapan ay yung ex ni Enzo na taga BU. parang kilala nya nga eh. nung tinanong ko naman bigla kayong dumating"

napatingin kami sa kanya "BU? teka ano bang pangalan nun?" tanong ni Chris

"Loraine Lopez" nagtinginan kami ni Chris sa isa't isa. bakit sya pa? "sino ba yun? kilala nyo ba?"

bago pa ko makasagot biglang dumating si Rina..."well who cares? no one wants to tell me anyway so let's just forget about her"

"RinRin, bat antagal mo? okay ka lang ba?" tanong ni Yui

"um. ok lang ako. I just called someone. tara kain na tayo"

nagsimula kaming kumain. medyo kinakabahan ako. sino kaya yung tinawagan nya? tungkol kaya yun kay Loraine?

hay.

"RinRin may bago nga palang mga libro na pinadala si Yuu-nii. yun daw yung mga bagong delivered sa bookstore ko. may new recipes na naman akong matatry XD"

may bookstore sya?

nakita ata ni Chris na nagulat ako. "haha wag kang magulat, Hikari ang last name nya. what do you expect from Japan's no.1 food company?"

"oo nga pala. pero anong connect ng bookstore sa company nila?"

bigla naman sumagot si Yui "oo wala! pero importante yung bookstore na yun dahil regalo sa kin ng tatay ko yun nung 13th birthday ko. tyaka di mo ba alam na parang fountain of knowledge ang lugar na yun dahil marami kang malalaman na info sa iba't ibang bagay lalo na ang mga recipe books na nakakatulong sa company namin para makagawa ng masarap na pagkain."

"ibig sabihin puro food related books lang ang anduon?"

"almost pero meron din namang iba tulad ng novels, magazines, craftbooks, etc. meron ding crochet at sewing books na hilig ni RinRin. nga pala..." may kinuha sya sa bag nya. isang regalo na nakabalot sa violet na wrapper "belated happy birthday RinRin. sorry kung late. Kasama ko si J.E bumili nyan."

"hindi lang late. super late ng 3 months. XD pero salamat." pagkakuha nya,binuksan nya agad. pano kasi pilit ng pilit si Yui na buksan na. "oo nga pala. Lagi kong kachat si Elle at sabi nya lage daw kayo magkasama ni J.E? May di ba ko alam?"

"ha? Wala yun noh. Lam mo naman na close lang talaga kami." nagbuntong hininga nalang si Rina.

tinaas ni Rina yung isang kilay nya nang nakita na nya yung regalo, isang libro " 'My Unrealistic Dream'?"

"uy, maganda yan noh. book 2 ng I Cant Run Away From My Destiny. tapos mo na yun di ba?"

"oo pero di ba tapos na yun? bat may book 2?"

"tungkol naman to sa bestfriend nung bida sa ICRAFMD" binasa ni Rina yung summary sa likod ng libro. after nyang basahin

"parang ikaw to ah, still believing in fantasy"

"and what is wrong with that?"

"nothing. but if you continue believing in those unrealistic things, you can't see the real thing around you. parang ngayon, you are still in love with THAT guy, whoever might that be"

"si Enzo?" tanong ko kay Yui pero si Rina ang sumagot.

"hindi sya ang tinutukoy ko. in love sya sa lalaking pinaniniwalaan nyang totoo kahit na alam nyang hindi"

"mas gumulo" sabi ni Chris.

"in love si Yui sa lalaking napapanaginipan nya lage."

"ha?" sabay pa kami ni Chris.

"alam ko totoo sya. kulang ka lang sa tiwala. alam kong yung lalaking yun ang nakadestined na papakasalan ko :3 " napatingin ako kay Chris na napakamot ng ulo. tumingin sa min si Yui "o bakit ganyan mukha nyo?"

sumagot naman si Rina "kasi nga di sila makapaniwala na 20 ka na eh ang childish mo parin dahil naniniwala ka parin sa mga ganyan." nagbuntong hininga sya "so nakita mo na yung mukha nya?"

"hindi pa nga eh. kainis"

"kalimutan mo nga kasi yun .meron naman kasing totoong tao na magmamahal sayo ng totoo no" sabi nya sabay tingin kay Chris at ngumiti. bigla naman uminom ng coke si Chris. hahaha nakakatawa pala syang nerbyosin. ngayon naiintindihan ko na ang pakiramdam ng tatay ko nung kinakabahan ako dati XDparang di napansin ni ni Yui yung pagtingin ni Rina kay Chris kanina "no can't! kelangan ko munang malaman kung sino yun. nagpromise na ko sa sarili ko na di na ako papasok sa relationship habang di ko pa nakikilala yung taong yun. dahil kahit sa panaginip lang yun, ninakaw parin nya yung First kiss ko kaya kelangan ko syang makilala >.<"

bigla naman nasamad si Chris sa iniinom nya "oh anyare sayo? ok ka lang ba?" kinuha ni Yui yung tissue sa tabi nya at pinunasan ang bibig ni Chris. bigla rin naman nyang kinuha

"a-ako nalang" nagbablush si Chris XD

"ok"

pero anyare sa kanya? sinabi lang na ninakaw yung first kiss ni....

bigla kaming nagtingin ni Rina at ngumiti...

"CarCar,are you sure that the kiss happened in your dream, not on real life?" tanong ni Rina habang nakangiti sya kay Chris na mukhang ninenerbyos

"huh? yeah, i think. wala naman tumatagal ng 1 month eh except kay Enzo kaya hanggang pisngi lang ang mga kiss namin dati."

"ah... pero kelan ba nagstart yang panaginip na yan?"

"nung graduation ata ng HS? or year before? nakalimutan ko na eh." haha matanong ko nga tong si Chris mamaya tungkol doon XD "anyway, ikaw Christian, sinong first kiss mo? may girlfriend ka sa states di ba?"

"wala akong girlfriend, kahit kelan di ako nangligaw"

"eh? eh diba meron? sabi mo dati kaya ka sumali sa student council kasi member yung girl na yun. di mo sya niligawan? at sino nga yung first kiss mo?"

"sya yung first kiss ko pero di ko sya niligawan. alam ko namang di nya ko mahal at mas matanda ako ng 2 years sa kanya."

"ah, pero sino nga yun? tagal na nun tas di mo pa rin sinasabi kung sino -_-"

sumibangot si Chris "you dont need to know" bipolar talaga tong lalaking to.

"ang kj mo" tas nagpout si Yui. unfortunately, di gumana ngayon kay Chris kaya humarap sya kay Rina "eh ikaw Rina? di ko natanong sayo dati si Bry ba? sya 1st boyfriend mo diba?"

"hindi sya at hindi rin sya yung first boyfriend ko."

"eh sino pala "

"si Ren"

"TALAGA? KELAN? SAAN? PAANO? GIVE ME THE COMPLETE DETAILS!" hala parang kumikinang yung mga mata nya sa tuwa.

haha pero totoo... ako ang 1st kiss ni Rina

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon