Chapter 22:Biglaang Pagbabalik sa Pilipinas

21 1 0
                                    

Rina's POV

"Hay salamat at andito na rin tayo" sabi ni Ren.

Kinuha ko phone ko at hinanap yung number ni kuya JayR. Nung nahanap ko na, tinawagan ko sya. Agad namang sumagot.

"kuya, si Rina to. Andito po ko sa airport, may pinapabigay po kasi si oto-sama kay tito Francis.Nasa manila ka ngayon di ba? Pasundo naman po, Sayang naman kung magtataxi pa kami."

"HA? Nasa pilipinas ka? Bat biglaan? Tyaka 'kami'?  sino kasama mo?"

"haha, kwento ko na lang po mamaya ha? Sige po wait po namin kayo dito."

"wait lang--" pinatayan ko agad XD

Nandito kami ni Ren ngayon sa coffee shop sa NAIA. Bakit? hay.

*flashback

"Rina, Ren, punta kayo ng pilipinas bukas. hahahahaha" sabi ni tito. Nanlaki yung mga mata namin ni Ren.

"Po?"

"may documents kasi na kelangan si tito Francis mo. Kelangan kasing personal yang dalhin sa kanya, kung pwede lang, ipapadala ko nalang ito through air mail kung di ganun ka importante. Kaya ikaw ang pinapapunta ko kasi isa ka sa 4 na taong pinagkakatiwalaan ko Rina." sabi ni oto-sama. Napabuntong hininga nalang ako.

"o-o sige po oto-sama"

"pasensya na sa abala ah?" tas inabot sa kin yung brown envelope na hawak nya. "Ren, kaw na bahala kay Rina" tumango lang sya

*end of flashback

7pm, Andito na kami sa bahay nila kuya Jay R, katabi ng dorm nila. Pagkabukas ni kuya ng pinto ng bahay...

"RINA! BAKIT DI KA NAGSABI NA BABALIK KA? BUTI NALANG NASA MANILA SI KUYA MO KUNG HINDI GABING GABI NA SIGURO KAYO NA KAUWI. TYAKA TATLONG BUWAN PALANG AH, NAG-AAKSAYA KA NG PERA, LAM MO NAMAN NA HINDI YAN PINUPULOT!" sigaw ni nanay Mila. Si nanay pala ang nanay ni kuya JayR. Kapatid nya si Tito Francis, mas matanda sya ng 2 years sa kanya. Mabait sya pero medyo mabunganga lang, tumatanda na eh XD

"nay sorry po nakalimutan ko po kagabing tumawag. si oto-sama po kasi may pinadala kay tito francis kaya biglaan po kaming bumalik dito" sabi ko kay nanay habang nakayuko.

"kami?" tas napatingin sya kay Ren na nasa tabi ko.

"ay nay, ito nga po pala si Ren, anak po ni tito Raven at tyaka--"

"HUH?! ANAK KA NI RAVEN?!"

"opo" sagot ni Ren sa kanya.

"ang gwapo mo naman iho tulad ng tatay mo pero di ka naman sana baliw katulad nya." tumawa lang kami.

"nay, pwede po bang sa salas na tayo?"sabi ni kuya Jay R

"ay sorry sorry"

Sa sala...

"so kamusta naman na yung mga tatay nyo? Nako talaga, pagpumunta sila dito, sasapakin ko silang dalawa. " natawa lang kami "so bat pala kayo magkasama?"

Ikinuwento ko na ok naman sila oto-sama at ang mga kabaliwan nila.

"ibig sabihin si Ren pala yung papakasalan mo?" ngumiti lang ako at tumango. "hmm... mukang masaya ka ah..."

Kinuwento ko rin na sya ang kababata ko at natuwa naman si nanay.

"hay, pinagtadhana siguro kayo. Pero sana pag-isipan nyo muna bago kayo magpakasal. Alam nyo naman yung kay Ryu at Eri, ayokong mangyari sa inyo yun." tumango lang ako "so hanggang kelan kayo dito?"

"3 days po."

"hay talaga yung mga tatay nyo, walang pakialam sa pera eh no?"

Maya maya kumain na kami tas nanuod ng balita at teleserye then pumunta na ko sa dati kong kwarto. Si Ren naman, andun sa kwarto ni kuya.

Pinost ko muna yung mga picture namin nila kuya sa FB bago ako natulog.

Ren's POV

"bro, wag mong sasaktan at papabayaan yang kapatid ko. Pag ginawa mo, titiyakin kong mas grabe pa sa ginawa ko kay Brian ang gagawin ko sayo." sabi ni kuya Jay R. tumango lang ako. "good. Ngayon kapatid na rin kita. Pero tandaan mo yung sinabi ko." grabe... kakatakot sya. Nung moment na pinakilala ako ni Rina...

*flashback

"kuya! I miss you" niyakap ni Rina yung tinatawag nyang kuya.

Niyakap din sya nun lalaki "I miss you too kapatid"

Maya maya kumalas si Rina sa pagyakap sa kanya. "kuya, si Ren nga pala, fiancé ko. Ren, si kuya Jay R" inabot ko yung kamay ko para makipag shake hands, kinuha naman nya tas bigla nyang hinigpitan na para bang pipigain nya yung kamay ko.

"ah sya pala yun. Ang gwapo ah. Sigurado ka bang di ka sasaktan nito? Sabihin mo lang pag sinaktan ka nya, gagawin ko syang Brian the 2nd" ngumiti sya ng parang papatay. Grabe, pinagpapawisan ako.

"kuya talaga... di ako sasaktan nito. Kung saktan man nya ko, di na sya makakaabot sayo dahil sa akin palang patay na sya." ngumiti sya ng parang inosente. Mas lalo akong pinagpapawisan dito "alika na nga, nagugutom na ko"

*end of flashback

Natulog na si Kuya.

Hay... binuksan ko nalang yung laptop (na hiniram ko kay kuya kanina) at nag- online sa FB...

Grabe, andami paring notif about sa pinost ng tatay ko. Grabe, ansarap talaga nyang sipain.

O, may tinag sa kin si Rina. Yung picture kanina. Andame na agad na comment. Puro friends ni Rina. Yung best friend kong si Christian may comment din.

Christian: pare, nasa pinas pala kayo di ka nagsasabi. Pakilala mo naman daw kay Josh bago kayo bumalik ng Japan XD

Nagcomment din yung mga stalker ko dito sa pinas. Hay naku, nakakainis din minsan pag sobrang gwapo mo eh noh? XD

Sina otosan at oji-san nag comment din

Ryu Shimizu: anlaki na pala ni Jay R, tumatanda na si Mila. yung dalawa, bagay na bagay XD

Raven Yamamoto: ahahaha oo nga! Hoy Ren! Bat ganyan muka mo? Parang takot na takot ka sa picture na to. Mukang shonga lang ah. Ahahahaha!

-_-' naku naku Ren, kalma, baka mabato mo lang yang laptop, di sayo yan.Tinignan ko pa yung ibang comment at may nakita akong comment galing kay Loraine.

Loraine: andito ka nanaman pala Ren c:

Loraine...

bakit parang iba ang feeling ko... lalo na nung nagcomment sya dun sa post ni otosan.

so... umalis ka para magpakasal... hmm... just wait, the party will start soon... Ren... :)

May binabalak ba sya?

Chinat ko sya dahil nakita kong online sya

Chatbox- Loraine Lopez

-may binabalak ka ba Loraine?

-Straightforward talaga?

-Sagutin mo ko

-maybe? :)

-pwede ba di ako nakikipaglokohan sayo

-panu kong sinabi kong meron, anung gagawin mo?

-kung ano man yang binabalak mo, wag mo nag ituloy. Baka pagsisihan mo lang yan.

-is that so? Hmm... maybe I'll change my mind kung makipagkita ka sakin bukas sa B university ng 12pm :) well gotta go...

Loraine is offline...

Sh*t! anung pinaplano nya? Masama talaga ang kutob ko...

----

A/N: Happy new year c: pasensya na ngayon lang ult ng post. oo nga pala kakaedit ko palang lahat ng chapters kaya sa mga nakabasa na ng mga past chap, mas naganda kung bbasahin nyu po ulit kc may iniba po ako at para na rin po maintindihan nyu ung flow XD anyways, gusto ko sanang ipost yung New Year special ko kso malayo pa yun XD 4 chapters nga pala ipopost ko ngayon ahaha, thanks ulit sa pagbabasa ng ICRAFMD. - mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon