Chapter 1: Dahil sa Libro

101 2 2
                                    

Rina's POV

Ako si Rina Shimizu,20 years old, japanese girl. Mabait at maganda daw ako, sabi ng mga plastik kong kaibigan. Kaya sa sobrang kaplastikan nila, lalayas na ko ng Pilipinas.

April 24.  12pm, andito ako ngayon sa NAIA, kakatapos ko lang pumunta sa customs at immigration. Hihintayin ko nalang yung flight ko kaso 1:30pm pa. napaaga ako ng pagpasok -_-'

Umupo muna ako sa waiting area tapos sinalpak ko yung earphones ko sa tenga ko at kinuha yung book na binigay ni kuya JayR sa akin bago ako pumasok ng airport. Hindi ko sya biological brother pero parang kapatid ko na sya . Sya yung anak nung kaibigan ng tatay ko, si nanay Mila, yung nagpalaki sa akin dito sa Pilipinas.  Wala kasi akong kamag-anak dito. Si otou-sama, nasa Japan. Si okaasan… basta wala akong kamag-anak dito kahit na half-pilipina ang nanay ko. May pinsan ako pero may trabaho yun kaya hindi ako makapagstay sa kanila, kasama rin kasi nya yung step dad nya sa bahay nila kaya ayoko.

(T/N: otou-sama-tatay, okaasan-nanay)

Hindi ko na tinignan yung title ng libro at deretso ko na  itong binuksan...


Basa…


Basa...


Basa…


Bakit ganito tong librong to? Tinignan ko yung title nung book…

 I Can't Run Away From My Destiny

 Nang-aasar ba itong kuya  ko?  Kaya nga ako aalis para makalimot tapos yung papabasa sayo yung super close sa life story mo? >.<

hay…

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa kasi wala naman akong magawa dahil 12:30 palang. 1 hour pa.

After 30 minutes, may lalaking itim ang buhok na umupo sa harapan ko. hindi ko na pinansin dahil nagbabasa ako. Kahit medyo ayoko yung story, tatapusin ko pa rin kasi hindi ko naman makakaila na maganda ang kwento nya at tyaka ayokong hindi tinatapos ang mga nasimulan kong libro. Medyo may pagkabookworm kasi ako, naimpluwensyahan ako ng bestfriend ko sa Japan, si Yui. Ngayon andito rin sya sa Pilipinas, sya lang ang naiisip kong kaibigan kong hindi plastic.

Biglang nag ring yung cellphone ko. Tatay ko -_-

sinagot ko "otou-sama?... Hai… hai… ah matte otou-sama, pwede po ba akong hindi muna ako umuwi ngayon dyan? Doon po muna ako sa dati nating bahay, okay lang po ba?... s-so desu ka? Hai. wakarimashita…" hay... Sa ibang araw nalang daw ako pumunta. medyo malayo daw kasi doon tyaka dadating  daw bukas yung business partner/friend nya kasama yung anak nya kaya kelangan nandoon daw ako sa bahay namin ngayon…

Feeling ko bibitayin na ako bukas.

Tinignan ko yung relo ko then pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagbabasa.

Habang nagbabasa ako, nararamdaman kong may nanunuod sa akin. Pagkatingin ko sa harapan ko, nahuli ko syang nakatingin sa akin.

Ngumiti sya sa akin pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ulit sa pagbabasa.

Patapos ko na yung libro… mabilis ba? Maikli lang kasi tong book. Mga 250 pages?

Ituturn ko na ung page ng…

"ang sungit mo naman miss" sabi nung lalaking nasa harapan ko kanina after nyang kinuha yung book ko. Bakit hindi ko napansing tumabi sya sa akin? Bigla akong nainis at tinanggal yung earphones ko…

"What the hell do you think you're doing?!" medyo napasigaw ako.

"miss cool ka lang. magpapakilala lang naman ako eh kaso sinimangutan mo ako. alam mo hindi bagay sayo ang nakasimangot. Kaya dapat nakasmile ka. Japanese ka ba? japanese din ako eh. Ako nga pala si Ren Yamamoto" then nagsmile at inabot yung right hand nya sa akin.

Wow ha? Pake ba nya kung nakasimangot ako? Hindi ko naman sya kilala. Kala mo close kami .

"wala akong interest na makilala ka at wala kang pakialam kung gusto kong sumimangot so wag mo kong guluhin." Then tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"aray ko naman. Ang sakit mo naman magsalita… gusto ko lang naman makipagkaibigan eh." nagpout sya na para bang bata na nagtatampo. Nakakainis itong lalaking ito!

"I told you I'm not interested so give me my book back!"

Kukunin ko sana yung book sa kamay nya pero bigla nyang tinaas para hindi ko maabot. Mas matangkad kasi sya sa akin ng unti.

"ibabalik ko ito pag sinabi mo sa kin ang pangalan mo :)"

Nabitiwan ko yung bag ko dahil pilit kong inaabot yung libro kaso hindi ko talaga maabot. Bwisit talaga itong lalaking ito.

"sabihin mo na kasi pangalan mo tapos ibabalik ko na ito. Promise." sabi nya habang nakangiti parin. Umiinit na talaga ulo ko. Ang sarap sipain ng pagmumuka ng lalaking ito! Sisigawan ko sana sya pero…

"Attention please..." sabi ng isang attendant sa gate 2 gamit yung mike.

"sh*t!"

1:10pm na pala!

Sa sobrang panic ko, kinuha ko yung bag ko at biglang tumakbo papunta sa gate 2.

"miss, saan ka pupunta? Yung book mo."

"sayo nalang! Kesa maiwan ako ng eroplano! Bahala ka Dyan!"

"Teka lang!" sigaw nya pero binilisan ko yung takbo ko.

Maya maya nakaabot na ako sa gate 2 at nakapasok na rin sa eroplano then umupo na sa seat ko tabi ng window.

Kainis talaga yung lalaking yun! Nasa kanya yung book ko, patapos na yun eh!  kung hindi pa ako umalis agad, maiiwanan naman  ako... 

hay...

Pero… parang familiar sya… para bang matagal ko na syang kilala…

Ren Yamamoto? Hindi kaya...

Ano ba iniisip ko? Makatulog na nga muna...

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon