Chapter 21: Bumaha ng Comment sa Facebook part 2

24 2 1
                                    

Rina's POV

"ui Ren, bukas mo nalang ituloy yan, may gagawin pa kasi ako sa laptop eh."

Wala syang imik. "ui ok ka lang?" tinapik ko yung kamay nya.

"huh?"

"sabi ko gagamitin ko yung laptop, bukas ka nalang ulit magFB"

"ah. Sorry, sige pala balik na ko sa kwarto, wag kang masyadong magpuyat." pinabayaan lang nya yung laptop sa kama ko tas umalis na sya. Anyare sa kanya? Parang nawala sya sa sarili nya.

Umupo ako sa kama para mag online sa FB.

Eh?

Kala ko naglog-out na sya, nakalimutan nya siguro. Nakaopen parin yung page na may picture namin. Tinignan ko ulit yung mga comment. Grabe, andami ah. Pero ang talagang eye catching yung kay tito eh. Pasaway talaga. At may comment din pala si oto-sama. Di ko to nakita kanina ah.

Ryu Shimuzu: haha tama tama. Sa RFC (Ren's Fan s Club) , wag nyo ng pagfiestahan si Ren at ganun din kayo PRFC (Princess Rina's Fans Club). silang dalawa ang para sa isa't isa. Wag nyo na silang guluhin haha.

Raven Yamamoto: wahahahaha! Tama tama! RFC at PRFC, be gone! Hahaha joke lang... hahaha!

Bakit ganto mga tatay namin? hay...

Oo nga pala, may fans club din ako at ewan ko kung bakit. Yung mga boys sa school ko dati sa Nara yung nagsimula nun. mga 2-3 members pero dumami nung nasa nagoya ako.

hay.

Pagka-scroll down ko, my nakita akong comment...

Loraine Lopez: so... umalis ka para magpakasal... hmm... just wait, the party will start soon... Ren... :)

Sino to? Tyaka what does she mean by 'party'?

Tinignan ko yung profile nitong Loraine...

Ang ganda nya. Muka syang american. Sa pilipinas sya nakatira. Anong relation nya kay Ren? Kaibigan ba? O higit pa dun?

Teka Rina, ano ginagawa mo?

Ni log-out ko na yung account nya.

Haist.

Binuksan ko yung account ko. Medyo mabagal ang loading -_-

Loraine... bakit parang iba yung feeling ko nung nakita ko yung picture nya?

Nung nagload na...

Wow, andami ko ring notif. Nakatag din sa kin yung picture. Pero grabe yung nasa wall ko... (Note: japanese parin yung mga comments)

-WAHHH! Who the hell are you? (I should be the one to ask you that)

-bakit mo ninakaw sa min si Ren-sama? (I'm not a thief)

-bakit ikaw ang papakasalan ni Ren? I cant accept this! (like I care)

Napabuntong hininga nalang ako. Andami pa pero di ko na binasa lahat.

*ting *ting *ting

Hala, may nagchat na agad?

Chat box #1 (Kenji- PRFC president, Japanese)

Rina-sama, bakit di mo sinabi na babalik ka na at ikakasal ka na? T_T

No Reply

Chatbox#2 (Sakura- close friend since elem. Japanese)

Rina! Bakit mo sinabi? Andaya mo >.< friend mo ko di ba?

Gomen Sakura. Yaan mo iinvite kita sa kasal namin so wag kana magtampo ok? pero matagal pa yun XD

Haha ok. Neh Rina, magpapatulong sana ako

Hmm... parang alam ko na. gusto mo magtapat kay Subaru no? hanggang ngayon naduduwag ka pa rin? XD

S-sira hindi noh! I mean yes--- hindi no pala-- ay ewan! Wag na nga bye.

Haha nagdeny pa XD

Chatbox #3 (Subaru- friend ko na playboy, Japanese)

Rina, Masaya ako na bumalik kana. I still love you, iwanan mo na sya at akin ka nalang...

Haha thanks pero lam mong ayoko sa lalaking may 40+ girlfriends sa isang city noh

Ui hindi 40 noh, 35 lang haha.

Bakit ba di ka nalang maghanap ng isa. Naalala ko tuloy nung time na kadate mo si gf#1 tas nagkasalubong nyu si gf#2,3,4. apat na sampal yun XD

Haha naalala mo pa pala yun? Pero lam mo naman kung sino gusto ko diba? Natatakot ako na mareject.

Wow! Si Subaru na playboy, natatakot ! Haha grabe

Pagtawanan ba ko?

Haha kakatawa ka eh. Lam mo kung mahal mo si Sakura, ligawan mo na. lam mo namang andaming nanliligaw dun. Mamaya pagnagdesisyon ka na ligawan na sya baka huli na ang lahat.

You have a point.

Oo meron talaga kaya magdesisyon ka ng mabilis XD sige log out na ko.

hay. Tong dalawang to di nalang mag-aminan eh...

(Note: yung conversation sa chatbox # 1-3 ay japanese, tinagalog ko nalang XD)

Magla log-out na sana ako ng..

*ting

Pagkatingin ko si Cindy, yung kapatid ni Brian.

Chatbox # 4 (Cindy Del Rosario)

Ate, wag ka na pong magalit kay kuya Brian. Alam ko po mali si kuya kasi nagtwo time sya pero minahal ka po nya ng sobra pero feeling daw po nya may mahal ka daw po na iba. sana po patawarin nyo po na sya. At yung hinihiram po nyang pera sa inyo dati, pasensya na po doon. Yung lola po kasi namin nasa ospital ngayon. Nag papart time po si kuya ngayon para makabayad sa ospital at makabili ng gamot ni lola. Kaya po nung andito ka pa po, ayaw po nyang makipagkita sa inyo kasi po nahihiya sya pero pag nakabayad na daw po kami sa ospital, babayaran din po namin kayo agad. Salamat po sa pag tulong nyo sa min. mag-ingat po kayo lagi dyan. I love you ate and I miss you.

Salamat din Cindy. Dahil pinaliwanag mo sa kin. Namimiss na rin kita at mahal din kita na para ko ng kapatid. Pero sana mahalin mo rin si Geneva tulad ng pagmamahal mo sa kin. At sabihin mo kay kuya mo, salamat at pasensya na.

Yun pala yun. Hindi ko kasi binigyan ng chance mag-explain si Brian eh. Pero okay na ko ngayon dahil mas bagay naman sila ni Geneva at dahil din sa kanila, nakita ko ulit yung first love ko.

Pinatay ko na yung laptop ko Pagkatapos kong nilagay sa table ko yung laptop, humiga na ako agad sa kama ko...

Pero magulo ang isip ko ngayon. Hindi dahil kay brian kundi dun sa Loraine. Loraine Lopez... sino ka sa buhay ni Ren?

-----

A/N: ito po muna ang last chapter ko for now. dahil my aausin kc ako sa story and ineedit ko pa ung latest chapters ko. pero dont worry, magpopost ako before mag new year. anyway, thank you po sa pagbasa ng ICRAFMD c: -mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon