Chapter 27: Ang Nangyari 7 Years ago

10 1 0
                                    

Ren's POV

"Rina, kausapin mo naman ako... buksan mo yung pinto... Rina"

"bro,pabayaan mo muna sya" sabi ni kuya JayR

nagbuntong hininga nalang ako at sinundan sya papuntang salas.

pagkadating kasi namin ng bahay, nagkulong na agad si Rina. walang imik matapos ang nangyari kanina...

nang nakaupo na kami sa sofa..."anak, anong nangyari? ngayon ko lang ulit syang nakita ng ganun." tanong ni nanay mila habang si kuya jayR naman nakatingin sa kin ng masama parang 'anong ginawa mo sa kapatid ko?'.

"yung itsura na yun... nakita ko na dati yun... Ren, ano ba talagang nangyari?" tanong ni otosan. di ko alam kung bakit sya andito pero mamaya na yun.

nagbuntong hininga ako at kinuwento sa kanila ang nangyari...

*flashback

"Rina? ikaw ba yan anak?" sabi ng babaeng nasa harapan ko, si tita Eri. tinignan ko si Rina pero hindi pa rin sya lumilingon.

biglang may dumating na batang babae, siguro nasa 6-7 yrs old "mama,bakit bigla ka pong nawala? kanina ka pa po namin hinahanap ni papa" mayA maya may dumating namang lalaking may bitbit na plastic, si Keisuke-san.

"Erika, wag ka naman tumakbo anak" tumingin sya kay tita Eri "Eri, bat bigla kang nawala? may prob--" napatingin sya kay Rina

lumapit si Rina sa kin at yung itsura nya... parang... wala syang narinig. nakatingin ako sa kanya at tinanong ko kung ok lang sya. medyo natawa sya. yung tawa na walang bakas ng kalungkutan. Nagpapakamanhid ba sya?

"oo naman, ok lang ako. kaw kasi inaaway mo ko kanina..."

"huh?"

hinawakan ni Rina yung braso ko na para bang pinipigilan nya kong magsalita pa.

bigla naman nagsalita si tita Eri. " Rina... I...." pero di na nya naipagpatuloy dahil nagsalita si Rina

"ate, nagkakamali po ata kayo... hindi po Rina ang pangalan ko, Carmela po."

"g-ganun ba? pasensya na....""okay lang po"

nagulat kami nang tumakbo yung batang babae papunta sa min at niyakap si Rina."ate mela, namiss po kita, bakit po antagal nyo pong hindi ako binisita?"

lumapit sila ni Keisuke-san sa min "Erika anak, kilala mo sya?" tanong ni tita Eri

"opo. sya po yung kinukwento ko na mabait na babaeng nagligtas sa kin nung may sasakyan sa kalsada tapos lage nya kong binibigyan ng food." ngumiti sya kay Rina ganun din naman sya.

"ikaw pala yun. salamat sa pag-aalaga sa anak namin Carmela" sabi ni Keisuke-san

"wala po yun. mahilig po kasi ako sa mga bata at wala rin po kasi akong kapatid na babae. sige po kelangan na po naming umuwi, naghihintay na po yung nanay ko." tumingin sa kay Erika "bye Erika, mag-iingat ka lage ha? Kelangan na naming umalis ni kuya Ren :)"

higpitan nya ang yakap nya tas kumalas na rin sya "ikaw rin po ate Mela at kuya Ren bye bye po. next time po ulit c: "

"alika na Ren" sumunod naman ako.

*End of Flashback

natahimik sila. di na rin nakatingin si kuya JayR sa kin ng masama. nabasag lang ang katahimikan nang...

"ANO?! ANDITO SILA?!"

"otosan, wag ka ngang sumigaw."

"sorry, excuse me. kelangan kong tawagan si Ryu" lumabas sya ng salas.

tatlo nalang kami nila nanay at kuya. "nay, ano po ba kasing nangyari? bakit... magkasama sila tita Eri at Keisuke-san?""hindi ba nila sinabi sa iyo?"

"hindi po"

"dahil wala kami sa posisyon para sabihin yan sayo. si Rina dapat ang magsabi sayo nyan." pumasok si otosan

"ambilis mo naman. anong sabi ni ojisan?"

"papasundo daw nya tayo sa private plane ng Shimizu Company bukas. alam nyang hindi pa handa si Rina na makipag-usap kay Eri kaya gusto nyang bumalik na sya sa Japan as soon as possible."

eh bakit kasi di nalang yun ang ginamit namin papunta dito? -_- pero yaan mo na yun. "otosan, sabihin mo na sa kin, ano bang nangyari?"

"sabi ko sayo, wala akong---"

"please... sabihin nyo na po sa kin. gusto kong malaman" nagbuntong hininga sya bago nagsalita.

"maayos naman sila dati pero nung namatay ang tatay nya, naging busy na si Ryu dahil sa kanya iniwan ang kompanya. bihira nalang syang nakakauwe kaya laging nagagalit si Eri dahil wala na daw time si Ryu para sa kanya at para kay Rina.

"nagtatrabaho din si Eri kaya lumaki si Rina na laging naiiwan sa bahay at di naaasikaso. lagi pa silang nag-aaway pag-uwe ni Ryu. ang nag-aalaga sa kanya ay si Ekko, yung nanay ni Ayane. ang naghahatid naman sa kanya ay si Masahiro.

"napapagod na si Ryu sa ganun kaya kahit maraming problema sa kompanya, binabaan nya pa rin ang oras ng pagtatrabaho nya. 3-4 oras na nga lang tulog nya makauwi lang sya at magka-oras sya sa pamilya nya. ganun nya sila kamahal

"simula nun, di na gaanong nag-aaway yung dalawa. pero after few years medyo napapabayaan na nya yung kompanya. muntikan na nga itong bumaksak kaya tumira sya sa bahay ng tatay nya dati sa Nagoya for 2 years para matutukan yung business. umuuwi naman sya every week at di naman na sila nag-aaway ni Eri. si Masahiro naman ang naging driver at kasama ni Ryu sa Nagoya. si Keisuke naman ang naging tiga pagsundo ni Rina.

"then naisip nyang palipatin sila Eri sa Nagoya. after 1 month ng paglipat nila sa Nagoya, gustong makipaghiwalay ni Eri at ayaw nyang sabihin kung bakit.

"yun pala, matagal nang may relasyon si Eri at Keisuke at 2 months na syang buntis. kaya nagdivorce sila Ryu at Eri. pumayag din si Ryu sa request nya na makasama sa pilipinas si Rina nang isang buwan. sa una ayaw nya dahil baka itakas lang daw nya ang anak nya. pero sabi ni Rina gusto nyang sumama. ang di nya alam, yun na pala yung huling buwan na makakasama nya ang nanay nya."

di ako nakapagsalita....

yumuko ako dahil bigla nalang tumulo ang luha ko....

wala man lang akong nagawa nung time na yun...wala ako sa tabi nya para mawala yung sakit...

patawarin mo ko Rina...

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon