Chapter 25:Phone calls

9 1 0
                                    

Rina's POV

Andito kami sa mcdo ngayon. Kakadating lang ni Chris dala dala yung mga order namin. Pag-upo nya, nagpray kami tas kumain na.

Tahimik lang kami. Ewan ko ba. Simula ng umalis kami sa B University, hindi nagsasalita si Josh. Si Chris naman, kinausap ako saglit tas tumahimik na rin dahil sya yung nagdadrive.

Ano kayang pinag-usapan ni Ren at Loraine? Hindi rin kasi sya nagsasalita.

Nabasag ang katahimikan nang nag-ring yung phone ko. Nung nalaman ko kung sino yung tumatawag, napatingin ako kay Ren bago ko sagutin "hello tito, bakit po?"

"ahahaha! Wala wala. Gusto ko lang kayong kamustahin. Okay lang naman kayo dyan noh?"

"opo, okay lang po kami, kayo po? Baka po nagpapagod kayo masyado sa trabaho"

"ahahaha, don't worry, okay lang kami. Di kami agad agad napapagod noh. Kamusta naman yung baliw kong anak? Pati rin sila Chris. Antahimik nyo, di kayo nag-uusap simula nang kumain kayo. May nangyari ba?"

"wala naman po-- teka, pano nyo po nalaman na--"

"A-ahahaha, may resource ako. Anyway mag ingat kayo sa pag-uwi, bye"

"teka lang po" binaba na. nagbuntong hininga nalang ako at nilapag sa table yung phone ko.

"bakit tumawag yun?" tanong ni Ren

"nangangamusta? Ewan ko pero lam nyang di tayo nag-uusap. May resource daw sya?"

"huh?"

"resource? Baka he's secretly stalking us." tumingin lang kami kay Chris dahil bigla bigla nalang nagsalita "what? Stalker yun di ba?"

"oo pero imposibleng susundan kami nun para lang magstalk noh." sabi ni Ren.

"imposible nga ba? Parang di mo kilala yung tatay mo." napabuntong hininga nalang si Ren. Tumatawa lang kami ni ni Josh. "pero maiba tayo. Grabe nagkita ulit kayo. Kainggit. You know, Ren looks like a crazy idiot searching for you for 8 years"

"hey! Who are you calling an idiot?"

tinuro ni Chris si Ren "ah, you?"

"bakit ikaw hindi?ikaw rin kaya!" tawa lang kami ng tawa. "nga pala nakita mo na si Carmela?"

"hindi pa nga eh. Ayaw na siguro akong makita nun." pagkarinig ko ng pangalang Carmela, nagulat ako. Sinong Carmela yung tinutukoy nila? Tatanungin ko sana sila ng...

Ring

Ring

Yung phone ko na naman. Si Yui, yung bestfriend ko yung tumatawag "sorry" bago ko sinagot. "moshimosh--"

"SHIMIZU RINA!"

"you don't need ko shout you know"

"bakit di mo sinabi sa kin na pupunta ka ng A university?sinabi sa kin ni Geneva galing ka daw dito at napahiya yung plastic girls"

"haha, sinabi nya talaga yun?"

"oo, nakakainis ka. Bestfriend mo ko tas di mo sinabi na pupunta ka at di mo pa pinakikilala yung boyfriend mo sa kin. Tyaka may kukwento pa naman ako sayo, nakipaghiwalay na sa kin si Lorenz tapos--"

"teka, ano? Sinagot mo sya?"

"a-ah... e-eh..."

"ANATA WA HONTO NI BAKA! (you're such an idiot)" nararamdaman kong biglang tumingin sa kin yung tatlo pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita "sabi ko sayo wag mo syang sagutin pagnanligaw sya dahil masasaktan ka lang tapos nawala lang ako ng ilang buwan, kayo na? tapos pagkadating ko wala na kayo? Ano yan lokohan?"

"eh mahal ko sya eh tyaka wag ka namang sumigaw--"

"mahal? No. infatuation lang yan. Akala mo love pero hindi tyka bat ba andali mong mafall? Pang ilan na yan? Si Daniel, Si France, si kuya JayR tapos ngayon si Lorenz. Mabait lang inlove kana? Tyaka pano akong di sisigaw eh gumagana nanaman yang katangahan mo sa pag-ibig. Ano bang nagustuhan mo dun? Sabi mo gwapo, parang di naman. Tapos antamad pa, walang ginawa kung di magdota. Nagtataka nga ko kung pano pa sya nakakapasa ng ganun eh. Lam mo feeling ko kelangan mo nangpalitan yang salamin mo kasi parang tumaas nanaman yang grado mo eh. Basa kasi ng basa sa dilim kaya pagdating sa boys, yung panget nagiging gwapo. Umayos ka nga!" nararamdaman kong natatawa yung tatlo pero pinipigilan nila

"oi di naman ganun kalabo mata ko, 150 nga lang yung grado ng mga mata ko eh tyaka ok lang ako. Wag ka na magalit RinRin."

"baka tumaas na di mo lang alam. Tyaka Carcar, I know you for 7 years and I can tell that you're not ok. Bakit ba di ka nalang sa Japan mag-aral at balikan mo yung boyfriend mo, inlove pa rin sayo yun diba?"

"I told you stop calling me Carcar"

"and I told you to stop calling me RinRin"

"and boyfriend? Si Daniel? No, bakit ko sya babalikan?"

"sira hindi yun. Di ba boyfriend mo yung lagi mong kasamang umuwi, yung nakatira sa tapat ng bahay nyo?"

"teka, si Christian ba yung sinasabi mo? Hindi ko sya boyfriend, boy bestfriend ko sya. Tyaka di yun inlove sa kin noh."

"wait, yun ba yun name nya?"

"huh? Oo, Christian Milan. Nakalimutan mo na ba? Pinakilala pa kita dati di ba?"

"hindi... hindi ko na maalala... " kaya pala... "anyways, Anong oras ba yung uwian mo? Nasa B university kami kaya di ako makakapunta agad dyan"

"oo. Daya mo naman kasi, graduate ka na. samantalang ako gagraduate palang. Sige pala, 4 pm sa may gate ng A university ha? ingats" tas binaba na nya.

Bigla akong napangiti... kaya pala... kaya pala pamilyar si Chris, nakilala ko na sya dati pa. hindi bilang best friend ni Ren pero best friend ni Carcar...

----

A/N: hmm... may naaamoy akong bagong love story XD haha well i hope u like this chap. till next week XD thanks po ulit c: -mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon