Chapter 20:Bumaha ng Comment sa Facebook

27 2 1
                                    

Ren's POV

Nakabalik na kami sa Nagoya. Sinama ako ng tatay ko dito sa Nagoya para daw may kasama sya sa paghahandle ng kompanya. sa tingin ko sabi lang nya yun pero ang totoo gusto lang nya kaming panuorin ni Rina at may binabalak na naman yun.

Kaya eto, Andito kami ngayon sa bahay nila Rina. Parang kasal na tuloy kami dahil nakatira kami sa isang bahay.

Kakatapos lang naming kumain ng hapunan. Agad namang umakyat si Rina. Bakit masyado syang nagmamadali?

Para bang nabasa nya yung iniisip ko, sinagot ako ni oji-san "nagmamadali para makaligo na,may papanuorin daw sya. siguro yung movie na nirent nya kanina."

"ah" oo nga pala, nagrent sya kanina. Sabi nya gustong gusto daw nyang panuorin yun.

10pm na...

Gising pa siguro yun.

Lumabas ako ng kwarto at dahan dahan pumunta sa kwarto nya. Binuksan ko yung pintuan, andilim. Bigla kong narinig na umiiyak sya habang nanunuod sa kama nya. Natapos na yung pinapanuod nya. Pinunasan nya yung luha nya.

Hindi nya ata ako napansin kaya sinara ko ng dahan dahan yung pintuan. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Nagulat sya kaya tinulak nya ko at napalayo ako sa kanya. Kinuha nya yung remote sa lamesa nya at ginamit yun para bukasan yung ilaw.

"R-Ren? Bakit andito ka? Bakit di ko naramdaman na pumasok ka?"

"chinek ko lang kung tulog ka na. well di ka pa tulog. Busy ka kasing umiyak sa pinanuod mo. Movie lang yan iniiyakan mo"

"eh nakakaiyak eh T_T"

"kaw talaga, napakaiyakin mo talaga" tas lumapit ako at pinunasan ang mga luha nya.

Nung ok na sya tinanong nya ko "eh ikaw, bat di ka pa tulog?"

"Gusto ko sanang iopen facebook account ko kasi simula ng dumating tayo dito sa japan, di pa ko nakapagbukas kaso ginagamit ni otosan yung laptop, e naiwan ko sa pilipinas yung laptop ko. kaya hindi ako makatulog. Pwede bang tumabi sayo? malay mo baka antukin ako" biro ko sa kanya.

"s-siraulo!"

"eh? Namumula ka, haha, biro lang baby." tumayo sya at kinuha yung laptop nya.

"wag mo nga kong tawaging baby. O, mag-FB ka na, tas bumalik ka na sa kwarto mo. Bat kasi di ka pa magpalit ng phone? lumang model na yun" nakasimangot na sabi nya pero namumula pa rin sya... haha ang cute nya talaga.

"kasi po, andito lahat ng memories natin nung mga bata pa tayo" ngumiti lang sya.

Pagkabukas ng laptop. Agad akong naglog in sa FB. At sa sobrang excitement ko na mag log-in, may nakalimutan akong gawin bago ko sya tinanong.

"may FB ka?" tumango lang sya "add kita tas accept mo agad ah? "

*ting

"shimatta"

(T/N: shimatta- expression ng japanese pag may nakalimutan sila)

"nande?(why?)" sumilip si Rina sa monitor ng laptop

*ting *ting *ting

"andaming nagchachat ah. Sino yang mga yan?" bago ko sya sagutin, nag offline muna ako sa chat. Napabuntong hininga ako

"mga fans/stalker ko"

"wow, dami ah. Pero mas nakakabilib yung notification mo, 500+" tinignan ko yung wall ko kasi makikita ko rin yung mga notif dun, may nakatag na picture sa kin.

Wait...

"di ba sa airport yan?nung magkausap tayo sa parking lot" tanong ni Rina.

Pano nila ako nakuhanan ng di ko napapansin? Sa picture na to, ako lang ang nakikita, kamay lang ni Rina ang nakuhanan. Ang caption ng picture: Ren-sama is back in Japan. 100K likes,Andaming comment, karamihan puro sa mga stalker ko galing. (di ko na papangalanan yung mga stalker XD)

Kira/Ren's Fans Club President: Ren-sama is back! OMG

Stalker 2:Ren-sama, bakit di mo sinabi na babalik ka na?

Stalker 3: we missed you so much Ren-sama

Stalker 4:ang gwapo mo parin Ren-sama

Stalker 5:Ren-sama, ngayon na andito ka na ulit, please date me

Stalker 4:sino yung kausap nya sa kotse? Parang babae

Stalker 6:eh? Girlfriend nya ba yun?

Stalker 5:Hindi naman siguro.

At marami pang iba. (Note: in japanese yung comments ah. )

Yung ibang comments na galing sa pilipinas...

Stalker 7:bakit ka umalis Ren? Ayaw mo ba talaga sa min?

Stalker 8:Ren, bumalik ka dito T_T

Carlo: yes umalis na si Ren, maliligawan ko na si M** . Thanks Ren, ingat ka dyan

Justine: oo nga Ren, salamat XD

And marami pa XD

Napatingin ako kay Rina "ngayon alam mo na kung ano ang hell"

Natawa sya "grabe, ano kayang reaksyon nila pag nalaman nila na engaged ka na?"

"well alam na nila..." napatingin ulit sya sa laptop...

"what the--" yung picture namin ni Rina nung engagement party namin/birthday party ni Rina. Ang caption? 'Shimuzu company and Yamamoto corporation finally became one.' "panu--" tinignan namin kung sino nagpost nung picture...

-_-' yung lalaking makatawa kala mo walang bukas. Oo yung tatay kong siraulo.

May 90k likes na at marami, super daming comments...

Kira:WHAT! Ren-sama is---

S9: so umalis ka para magpakasal? *sob* kung masaya ka, masaya na rin ako para sayo

Joshua Milan: wow pare, ang ganda ng fiancée mo. Kung ayaw mo sya, akin nalang haha joke lang. sana maging masaya kayo (pinsan ni Chris)

S10:kung masaya ka, masaya na rin ako

S1:NO! I CAN'T ACCEPT THIS!

S11:who is that pretty girl?

S12:The heiress of Shimizu company? ngayon ko lang narinig ang pangalan nya.

S13:Suko na ko...

Kira:Ren-sama, please tell us na di totoo to

And marami pa.

Pero ang eye catching talaga...

Raven Yamamoto: wahahaha! Totoo yan! Tatay nya ko di ba? Tingin nyo sa kin, nagsisinungaling? XD guys, may chance na kayo sa mga girls. Girls, move on, andami pang lalaki dyan, wag nyung pagfiestahan ang anak ko, kay Rina lang sya. Like he said a few days ago, Rina is his present and future. tapos sya pala ang past nya. ibig sabihin si Rina ang past,present at future ni Ren.  Whahahahahahahaha...

"Grabe tong tatay ko. Pati ba naman sa FB pinapahiya ako?"

"ahaha... ganun talaga sya eh. Tara na nga matulog na tayo, patayin mo na yan, bukas mo nalang tapusin yan at sugurin si tito XD"

Ilalog-out ko na sana nang nabasa ko yung isang comment na galing sa taong di ko inaasahang ...

-so... umalis ka para magpakasal... hmm... just wait, the party will start soon... Ren... :)

Si Loraine...

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon