Chapter 18: Pinagtagpo ng Tadhana

24 1 1
                                    

Rina's POV

Nakaupo sya sa swing tas nasa lap nya ko habang yakap yakap nya ko.

Ano bang nangyari kung nagstay ako dati? Naging kami kaya at kami parin hanggang ngayon?

Nagsisisi akong hindi ko sya pinakinggan. Pero nung magagawa ko? 13 years old palang ako nun noh. Bata pa ko nun.

Pero naku-curious ako.

"pano mo nalamang ako yung kababata mo?"

"nung nakita kita dito kanina sa swing na umiiyak, sabi ko, si RinRin nga sya"

"huh?"

"iyakin ka pa rin eh XD ui, ang tanda mo na para maging iyakin."

Siniko ko sya "hindi ako iyakin noh! Nakakainis ka >.<"

tumawa sya, mukang siraulo to. "ang cute mo talaga baby ko kahit iyakin ka" tas niyakap nya ako lalo.

>////<

"bat tumahimik ka? Joke lang yun, naniwala ka naman XD"

-__- siniko ko ulit sya at tatayo sana ako pero hinigpitan nya lalo ang pagyakap sa kin.

"joke lang. wag ka ng magalit" sinandal nya yung ulo nya sa likod ko. "naalala mo pa ba nung una  tayong nagkakilala?" tumango lang ako.

Hindi hindi ko makakalimutan nung una ko syang nakilala. 5 years old ako nun, magsa-summer nung time na yun.

Nag-aaway lagi si okasan at oto-sama Ayoko silang nakikitang ganun kaya nasa park ako lagi pag alam kong pauwi na si oto-sama. Doon ako umiiyak habang nakatingin sa mga bituin at humihiling na wag nang mag-away ang mga magulang ko. Isang araw...

*flashback

(16 years ago)

"bakit ka umiiyak?"tanong ng isang batang lalaki sa kin habang inaabutan ako ng panyo. Nagulat ako nung nagtagalog sya. Napansin ata nya "ah I mean, naze anata wa naiteiru no?"kinuha ko yung panyo at pinangpunas ng luha ko.

"salamat"

"marunong ka magtagalog?"

"tinuruan ako ni mama."

"ah. Bakit ka nga pala umiiyak? Lagi ka nalang andito para umiyak, wala ka bang kaibigan?"

"meron pero di yun yung dahilan kung bakit ako umiiyak. Lagi kasing nag aaway si mama at papa" tas umiyak ulit ako.

"magkakabati rin sila, kaya wag ka nang umiyak."

"talaga?"

"oo, maglaro nalang tayo, pag-uwi mo, ok na sila. Ako nga pala si Ren."

"ako si Rina"

Naglaro kami. Pagkauwi ko, ok na nga sila okasan at oto-sama. syempre nag-aaway pa rin sila pero hindi araw araw.

*end of flashback

Hindi ko makakalimutan yun dahil yung araw na yun, naramdaman ko rin yung feeling ng may kaibigan. Sya ang unang kaibigan ko sa labas ng bahay namin.

bigla syang tumawa "bat ka natawa?"

"wala. naiisip ko lang, ikaw rin pala ang past ko kaya that makes you my past,present and future, diba?"

"e-ewan ko sayo" tumawa lang ulit sya.

*RING*

Phone ni ren. Tumayo na ko tas tumayo rin sya para makuha yung phone nya sa bulsa nya. Sinagot nya "hell-- teka lang po, wag po kayong sumigaw. Pauwi na po kami. Teka, sino po yung kasama nyo dyan? Ang ingay eh. ... po? Kala ko may meeting sila, bat andyan sila?... Ok po, babalik na po kami." pagkatapos ng call nagbuntong hininga sya at binalik yung phone nya sa bulsa nya tas tumingin sa kin. "nasa bahay daw mga tatay natin."

"huh? Anung ginagawa nila dun?"

"ewan ko. Tara balik na tayo" hinawakan nya yung kamay ko at umalis na kami.

Ren's POV

Kumakain na kami ngayon.

"nga pala Rina kelangan ulit nating maghanap ng driver mo, nagresign kasi si Hinata." sabi ni oji-san

"bakit po biglaan?"

"namatay daw kasi yung tatay nya, at kelangan daw nyang tulungan yung nanay nya. Kaya nagsorry sya kasi bigla syang umalis."

"ah. Pero oto-sama, di ko naman na po kelangan ng driver eh... marunong naman po kong magdrive."

"hindi kasi ako panatag pag wala kang kasama pag-aalis ka. Babae ka at nag-iisang anak ko. Kaya gusto kitang protektahan." nag nod lang si Rina

"ahahahaha! RYU! Eto o pwedeng driver nya" tinuro ako "Ahahahahaha!"

-_-' tawanan lang sila.

Maya maya biglang nagtanong yung nanay ko bakit antagal namin kanina, ikukwento ko sana nang biglang tumawa nanaman si otosan at sya ang nagkwento. Natulala kami ni Rina, bakit nalaman nila?

"ahahaha! So nagmuka palang tanga si Ren for 8 years kakahintay sayo? hahaha" anak ng tinapa naman tong tatay ko, ansarap talagang sipain eh.

"ang ingay mo! Bakit ka ba andito? "

"sabi ng tatay mo mag day off daw kami tas sundan namin kayo" sabi ni ojisan. Tumingin ako sa tatay ko.

"bakit? Masama bang umuwi? Bahay ko rin to noh. Hahaha" tumatawa lang din sina okasan, oji-san at Rina.

"nakakatawa kaya kayong panuorin kanina sa park. Ehem ehem" tas humarap sya kay oji-san at hinawakan yung magkabilang pisngi nya "watashi wa anatagasuki. Wahahahaha!" anak talaga ng tinapa tong tatay ko,inimitate pa yung boses ko >.<

tawa lang sila ng tawa. feeling ko ampula ng muka ko sa kahihiyan. Tinanung ko yung nanay ko...

"okasan, bakit mo ba pinakasalan si otosan? Tignan mo, baliw oh" tawanan ult sila.

"ewan ko ba. Love at first sight?"

"huh?"

"nakilala ko sya nung college kami, transfer student sya at sumali sya sa tennis club kung san member din ako. Nung time na yun, bestfriends na sila ni Ryu at kaibigan ko rin si Ryu kaya pinakilala nya si Raven then yun, parang nainlove nako agad sa kanya haha ewan. Tadhana ba?"

Ganun? Nabulag sya sa kagwapuhan nya? Well kahit naman ganito tong tatay ko, mabait naman kasi to tyaka mapagmahal. Yun lang pagdating sa pagmamahal sa kin, pinapakita nya yun sa pamamagitan ng pagpapahiya sa kin -_-' shakol noh?

"ganun kami nagkakilala. Kaya thanks kay Ryu, naging kami. As a thank you ko sa kanya, tinulungan ko sya sa bestfriend ko, si Eri... ah sori..." sabi ng nanay ko kay Rina.

"ok lang po yun" tas ngumiti sya ng pilit tas biglang tumahimik silang lahat. Nawala lang ang katahimikan nung nagsalita ang tatay ko.

"oh tumahimik kayo? Kumain nalang tayo, lalamig na yung pagkain, sige kayo baka takbuhan kayo nyang isda at manok ahahaha!" sumimangot ako

"ang ingay mo talaga!" tumawa ulit sila nung sinigawan ko yung tatay ko nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pero...

Ano nga bang nangyari kay obasan?

(TN: Oba-san- tita)

-------

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon