Chapter 11:Move on

33 2 2
                                    

Rina's POV

April 26,2013 10:30am

"Rina, okay ka lang? pahinga muna tayo gusto mo?" sabi ni Ren habang inabot nya sa kin yung bote ng tubig. Kinuha ko at tumango nalang ako.

Andito kami sa likod ng mansion namin sa tennis court namin. Oo may tennis court, mahilig kasi sila oto-sama at tito mag tennis kaya yun, bigla silang nagyayang maglaro. Magkateam sila. Kami naman ni Ren ang magkateam.

hay. balak ko pa namang puntahan si Sakura, yung isang kaclose ko dito sa nagoya. nagtatrabaho sya sa isang pharmacy. kaso nung magpapaalam na ko...

*flashback

"Rina,saan ka pupunta at nakabihis ka?" tanong ni tito. nasa sala sya kasama ang tatay ko.

"otousama,tito, may pupuntahan lang po ako saglit. magpapahatid po ako kay Hinata-kun kaya wag po kayong mag-alala. pupuntahan ko lang po si ---"

"HINDI,HINDI KA AALIS. may gagawin tayong importante. pag umalis ka, wag mo na kong kausapin kahit kelan"

"tito naman, babalik din naman ako agad"

"basta! umalis ka, wag mo na kong kakausapin."

*end of flashback

at yun ang dahilan kung bakit andito kami. importante daw -_-

"otosan, oji-san, kayo po muna, pahinga lang po kami saglit"

"hahaha, sige lang. take your time" sabi ni tito tas bumulong kay oto-sama pagkatapos ngumiti sila ng nakakatakot.

Hmm -.- may binabalak nanaman ata yung dalawang yun ah.

Umupo kami ni Ren sa malapit na bench. Buti nalang, nagyayang magpahinga muna si Ren. Ansakit ng wrist ko, natamaan kasi ng bola eh kaya di ako makapagserve ng maayos tapos medyo masama pa pakiramdam ko.

"bat ganun? 55 na silang dalawa pero ang bibilis at anlalakas pa rin nila. Di ba dapat pag ganung age may rayuma na?"

3 hours na kami dito kaya pagod na pagod na kami pero yung dalawa di pa pagod. Mahirap talunin nung dalawang yun.

"eh mga player sila nung high school at college di ba? At tyaka regular ang vitamins ni oto-sama kaya di sya nagkakasakit."

"grabe talaga, sana pala nagrefuse nalang ako."

"at bakit naman?"

"May gusto kasi akong puntahan. Naboboryong na ko dito."

Bigla akong nainis. "eh di sana umalis ka na lang. Kung ayaw mong maglaro sana sinabi mo. baka nakaalis pa ako kung umayaw ka"

"ui teka lang, hindi ganun ibig kong sabihin"

"ano pala?"

"gusto ko. kaya nga pumayag ako pero may gusto akong puntahan."

"san naman?" nakasimangot kong tanong sa kanya.

"gusto kong manuod ng movie sa sinehan... kasama ka."

"At bakit naman ako ang isasama mo?"

"malamang girlfriend kita eh. Di naman masamang magdate tayo di ba?"

.

.

.

.

.

Huh? Ano sabi nya?

"ui ok ka lang?" sabi nya sa kin

"oo ok lang ako! at Wag mo kong tawagin na girlfriend mo!"

tumayo ako at aalis na sana ako pero bigla syang tumayo at hinawakan yung kamay ko.

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon