Chapter 2: Coincidence?

76 2 1
                                    

Ren's POV

San nagpunta yun? Bigla nalang umalis at iniwan pa itong libro nya. hay. Ang sungit nya. Magpapakilala lang ako eh.

Nga pala ako si Ren Yamamoto, 21 years old Japanese guy.

Kung ibang babae yun, nainlove na yun sa akin. Gwapo kaya ako XD haha joke lang though totoo naman talaga, Gwapo daw ako,mabait ,mayaman at athletic.

May fans club pa nga ako sa school namin sa Japan dati pero dahil dun kaya ako palipat-lipat ng ibang school, pumunta pa ako dito sa Pilipinas para makaiwas sa kanila kaso ganun din ang nangyari dito -_-' hindi naman sa ayokong magkaroon ng fans, pero nakakairita na kasi eh. May gusto kang gawin pero hindi mo magawa dahil  may nanunuod sayo lagi na para bang stalker. Hindi ka makakain ng maayos, hindi ka  makapag-aral ng maayos. Minsan may sumunod pa sa akin hanggang sa CR ng boys. Hindi ba nakakairita yun? hay.

Pero yung babaeng yun...

 She's different from the other girls that I met before.

She has long curly brown hair, fair skin at singkit. Hindi ko alam pero parang nakita ko na sya dati pero ngayon ko lang sya nakita. Gets nyo?

Tinignan ko yung book.

I Can't Run Away From My Destiny

Hindi ba about sa broken hearted girl itong story na ito? Yung kaibigan ko kasi sa university namin may ganitong libro.

wait, broken hearted sya? Kaya pala mukha syang malungkot na para bang pasan na nya yung problema ng buong mundo. Kung broken hearted man sya, sino naman yung nanakit sa kanya? Maganda kaya sya kahit na masungit pero feeling ko di naman sya masamang tao para saktan.

Bigla kong naalala yung kaibigan ko…Ganun din sya nung una ko syang nakilala, puno ng kalungkutan ang mga mata nya.

Makikita ko pa kaya ulit sya?

"Attention please..."Nagulat ako nang  nagsalita ulit yung attendant sa gate 2 

Tinignan ko yung relo ko…

Shimatta! 01:17 pm na. grabe… lagot ako sa tatay ko pag naiwanan ako ng eroplano, may meeting pa naman sya bukas at kelangan nandun ako.

(T/N: Shimatta- hindi ko talaga alam yung meaning nya XD pero reaction ito ng mga japanese pag may nakalimutan sila at bigla nilang naalala)

Ilalagay ko sana yung libro sa bag ko nang may nalaglag na papel galing dito…

Binuklat ko yung papel… may sulat...

Rina,

 

Haha, lam kong maiinis ka sa libro na to, title palang XD pero sana magustuhan mo. Nagpatulong pa ako kay Yui. Sana  makahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo ng tapat at hindi ka lolokohin tulad ng bida sa librong ito. Maging masaya ka sana sa desisyon mo na bumalik ng Japan. Alam natin ang mangyayari pag bumalik ka doon at hindi natin alam kung makakabalik ka pa dito pero sana lagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin kahit nasa malayo ka. Mag-ingat ka lagi.

 

Kuya Jay R

So tama nga ako? na broken hearted sya.

Binalik ko sa libro yung sulat at nilagay ko sa bag ko yung libro… ibabalik ko nalang ito kapag nagkita ulit kami. Sa ngayon, kailangan ko ng magmadali dahil maiiwanan na ako ng eroplano.

Nagmadali akong pumunta  ng gate 2. maya maya nakapasok na ako sa eroplano at hinanap ung seat ko ,44K (seat no.)

44K…

44K…

44K…

Nakita ko na, may katabi pala ako. Babae pero tulog.


Teka…

Yung babae to kanina ah. Si Rina.

Coincidence ba?

Umupo na ako sa tabi nya. Pinagmamasdan ko sya. Ang ganda nya pa rin kahit natutulog sya

Biglang nagring yung phone ko, buti hindi sya nagising. Nakalimutan kong patayin yung phone ko bago ako pumasok ng eroplano XD pagkasagot ko "otousan? Opo nasa eroplano na po ako, malapit na magtake off... Eh? akala ko po ba bukas? O sige po, see you later." pagkatapos ng tawag, Inoff ko na yung phone ko. Nagmamadali ba sila? Dadating palang ako eh. hay.

Dumaan yung flight attendant at nagbigay ng kumot per seat. Binuksan ko yung plastic para magamit yung kumot. Medyo malamig na eh. Tinignan ko si Rina. Baka giniginaw din kaya ikinumot ko sa kanya ung isang kumot.

Maya maya nagtake-off na yung eroplano.

Kinuha ko yung wallet ko sa bag ko at binuklat ito. tinignan  ko yung picture namin ng kaibigan ko...

ang bestfriend ko…

Hindi. 

Hindi ka na dapat umasa Ren… malapit ka ng ikasal. Dapat kalimutan mo na ang nakaraan...

Dahil…

Hindi talaga kayo para sa isa't isa… 

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon