Chapter 39
Denzel's POV
Ang bilis nang pangyayari, hindi pa nakakabalik ang mag-ina ko ay may nangyari ng hindi maganda sa eroplano na sinasakyan namin.
Hinanap ko talagang maigi ang mag-ina ko, pero tulad ng inaasahan ay maraming nagkakagulo dito sa loob.
Si Sean na yakap ko ngayon ay naiyak na din.
"Punyeta, dahan-dahan naman kitang may dala akong bata!"
Panay bangga na sa amin ng mga tao sa loob. Hindi pa ako ay may inabot na sa akin na mga life vest. Calm lang mga stewardess na namimigay ng mga life vest, alam kong sanay na ang mga ito sa ganitong sitwasyon base na rin sa training nila.
Tulad ko ay sanay na din sa ganitong sitwasyon, ang ibinabahala ko lang ay ang mag-iina ko. Ayos lang sa akin ang ganitong sitwasyon, pero punyeta ang pamilya ko. Bakit ngayon pa kung kelan kasama ko sila.
Nahagilap ko si Rebecca na umiiyak at nangingig sa isang sulok. Palinga-linga parang dinudurog ang puso ko makita siyang ganyan.
Nakita niya agad kami ng tinawag ko siya. Paglapit ko ay mas lalo siyang napahagulgol.
"Denzel si Shana, Denzel."
Napapikit ako ng mariin sa narinig ko, hindi lang sa, sinabi niya pati na rin sa pag-iyak at nakita kong sugat sa kanyang kamay.
Ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko magawa, hindi dapat ako magpakita ng galit sa mga tao dito. Lahat naman kami ay nasa bingid ng kamatayan.
"Mauna kayong tumalon ni Sean, Rebecca. Hahanapin ko si Shana." Hindi ko maiwasan na mataranta dahil sa nakikita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni Rebecca at iyak ni Sean.. Alama kong mahirap paghiwalayin ang kambal, laging magkadikit ang kanilang nararamdaman.
Kung ganito ang reaksyon ni Sean ngayon, ay paano na lang si Shana ngayon. Magkakasama nga kaming tatlo pero si Shana mag-isa lang. Takot itong mag-isa. Ayaw na ayaw niya na naiiwan o iniiwan siya.
Inabot ko na si Sean sa kanya. Kung hindi ko gagawin ang pagbigay kay Sean at mauna na silang umalis sa eroplano na ito ay sama-sama kaming mawawala dito. Inabot ko na rin ang life vest na para sa akin kay Rebecca.
"Ayoko, hahanapin ko si Shana!" Pagpupumilit niya.
YOU ARE READING
Once Mine, Always Mine
Romance[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes Yes, I get jealous. Yes, I get possessive. Why? Because what's mine is MINE and sometimes I think someone might steal you away forever. - De...