Once Mine, Always Mine -- Chapter 24

86.5K 670 34
                                    

(Sisimulan ko po ang chapter na 'to noong unang nagkita ulit sila sa bahay ni Ellie.) 

Chapter 24

Denzel's POV

Nandito ako sa opisina ko, nag-aayos ng mga papeles. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras sa mga naka-imbak na papel sa mesa ko. Pagkatapos maayos ang mga papel sa mesa, kumuha ako ng isang folder at sinimulan ng i-review. Mas inuna ko pa kasi ang pag-i-i-sketch kesa sa mga 'to.

Biglang bumukas ang pintuan sa opisina ko at nilabas doon ang mga kaibigan ko, si Maverick at Floyd.

Kitang kita sa mukha ni Floyd ang ngisi sa labi niya ng pinasadahan ko ng tingin ang kinatatyuan nila. Lumapit sila sa couch at doon umupo. Hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang. Ganyan naman lagi yan, laging manggugulo sa opisina ko. Mga walang magawa sa buhay.

"Kailangan mo ng tulong, Den-den." Tanong sa akin ni Floyd. Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ikaw ang huli kong lalapitan kung kailangan ko ng tulong. At pwede ba wag mo sinabi akong tatawaging Den-den." Binalik ko na ang tingin ko sa hawak kong papel. Nagsisimula na naman siya.

"Bahala ka baka magsisi ka. Ako na 'tong nag-mamagandang loob dito ikaw po ang tatanggi." Nakita ko naman na pinatong niya ang mga paa niya sa mesa.

"Ano bang kailangan niyong dalawa at nandito kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

Ibinaba ko muna ang hawak kong papel at tumingin sa kanila ng diretso. Hindi naman sa ayaw ko na nandito sila ang kaso lang ay wag na wag nila akong guguluhin.

"Wala naman, namiss ka lang naming. Alam mo na bro bonding." Nakangiting sagot sa akin ni Maverick.

"Come on guys, magkakakilala na tayo dati pa, alam ko ang mga ganyang sagot niyo. So sabihin niyo na bago ko kayo paalisin dito."

"Ok. Ok. Ang init ng ulo mo ngayon ah. Nandito kami dahil yayayain ka namin na pumunta sa bahay ng mapapangasawa ko." Pumunta si Maverick sa pwesto ko at umupo sa katabing upuan sa table ko.

"Ano naman kinalaman ko doon at kailangan ko pang sumama sayo." Tanong ko.

Ano nga ba ang kinalaman ko? Ano makikita ko silang maglalambingan sa harap ko? Maghaharutan sa harap ko? Wag na lang. Mas mabuti pang magdamag ako dito sa opisina kesa sa makita ko pa silang masaya sa harap ko.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon