Once Mine, Always Mine -- Chapter 20

92.4K 741 48
                                    

Chapter 20

It's 7 in the evening, kakatapos ko lang maligo. Nakalapag ang mga damit na pinagpipilian ko kanina pa sa kama. Kaya siguro ako nangtagal dito sa kwarto dahil hindi ko pa din mapili ang damit na susuotin ko ngayong gabi.

I shook my head. Ngayon lang ba ako makakatikim ng date? Of course not! Kaya dapat hindi ako maging uneasy. Maraming nagyayaya sa akin na makipag-date sa France pero hindi naman ako ganoon kinakabahan, pero ngayon.. ngayon lang ata ako tinablan ng kaba. Yes, I have a date. Sino pa ba ang magyayaya sa akin, si Denzel lang naman ang lumalapit sa akin buong Linggo na magkasama kami sa Shop. Kaya si Denzel ang ka-date ko ngayon!

Pasalamat siya may free-time ako ngayong araw na 'to. Yes, tinatawag kong free time 'to kahit hindi naman ako busy. Nagbibisi-bisihan lang.

Mamaya ko na pag-iisipan kung anong isusuot ko. Madali lang naman iyon. Kaya aayusin ko muna ang maganda kong mukha at sexy kong katawan. Ghawd! Nahahawa na ata ako ng kahanginan ng lalaking 'yun. Sa ilang araw naman kasing kakatok siya sa office ko bubungad ang over confident niyang aura sa akin.

Pinaligo ko na ata ang lotion sa katawan ko. Hindi ko naman kailangan ang sobrang bango at malambot na balat dahil nananalaytay na sa aming mga Fuentes 'yon.

Naglagay lang ako ng face foundation at red lipstick. I lick my lips, I found it sexier everytime I do it in front of the mirror.

The next thing I do is to find a better dress. Tinapat tapat ko lang ang damit sa katawan ko at tinitignan ang buong kabuuan sa salamin. Hindi bagay. Tapon. Ilang beses kong ginawa 'yun ng nakahanap ako na perfectly fit para sa akin. It's a simple but sexy red dress with matching high heels. Perfect na para sa akin 'to, hindi katulad kanina na revealing ang likod o di kaya ang babaw ng gupit bandang dibdib.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko naman na nakatingin sa akin ang mga anak ko.

"Hi babies." I waved to them "Kamusta ang suot ni Mommy. Maganda ba?" Tanong ko.

Nakita ko naman silang ngumiti. Alam kong agree sila. Sino bang anak ang hindi nagagandahan sa Ina nila.

Pagbaba ko sa sala kung nasan sila ay hinalikan ko sila sa cheeks. Kakatapos lang nilang kumain ng dinner.

"Mila,baka gabihin ako ngayon. dito ka na muna matulog. Mag-iingat kayo dito." Pag-papaalala ko. Alam niyang may ka-date ako ngayon pero hindi niya naman kilala. 

"Opo Ate." simpleng sagot niya.

Nanonood lang sila ng Smurfs 2 ngayon. Mag-mo-movie marathon daw silang tatlo, kanina pa nila naumpisahan ang Smurfs 1.

"Sige na baby aalis na si Mommy. Asan ang kiss ni Mommy?" Tinapat ko ang pisngi ko sa harap nila. Tumayo naman sila at hi-nug ako at ki-niss sa cheeks.

"I love you babies. Bye."

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon