Once Mine, Always Mine -- Chapter 37

63.2K 635 29
                                    

Chapter 37

Nanatili lang akong nakatingin sa salamin habang naka-suot sa akin ang gown na susuotin ko sa araw ng kasal namin ni Denzel. It is Champagne Mermaid Floor-length Sweetheart Gown. The color of my gown is Silver-Grey, bagay na bagay lang sa kulay ng aking balat. Saktong-sakto na siya kung titignan. Tama lang ang pagkakasukat sa aking beywang, hindi maluwang hindi din masikip.

Hindi din mawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ilang buwan na lang at magiging Mrs. Denzel Porter na ako. Tinignan ko din ang engagement ring na ibinigay niya sa akin three years ago, ilang buwan na lang din at maiisuot ko na din ang singsing na nagpapatunay ng pagmamahalan namin ni Denzel.

"Ma'am is everyting alright?" Napukaw lang ang pag-iisip ko ng may sumigaw sa labas ng dressing room.

"Yeah. Saglit na lang." Sigaw ko din pabalik.

Isang sagarang tingin muna ang ibinigay ko sa aking sarili bago ako lumabas ng dressing room.

Naabutan ko naman doon si Mommy at Mommy Luna, ang Mommy ni Denzel. Napatayo agad sila ng makita ako.

Isang naluluhang ngiti ang ibinigay ko sa kanila ng hindi pa din sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan.

"M-mommy." Mahina kong banggit sa Mommy ko.

Doon naman sila natauhan at tumingin sa akin sa mga mata. Nakikita ko din doon ang kasiyahan at kalungkutan sa kanyang mga mata. Kahit nitong nakaraang taon na malimit lang kami nagsasama ay hindi pa din matutumbasan ang ilang taon niyang pag-aaruga sa akin.

Lumapit naman siya agad at niyakap ako. Ayokong lumuha, yan ang nasa isip ko ngayon. Hindi pa naman ngayon ang araw ng kasal ko kaya hindi ko sasayangin ang luha ko sa pag-fit lang ng gown na ito.

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Hindi ko namamalayan na ang baby ko noon ay malapit ng ikasal."

"Mommy naman, wag ka namang ganyan. Sige na nga papayag na akong maging baby mo pero ngayon lang ah." Niyakap ko na si Mommy ng mahigpit.

Tumikhim naman si Mommy Luna sa aking gilid. Nakangiti sa akin at kumikislap ang kanyang mga mata.

"M-mommy Luna." Nahihiya kong banggit sa pangalan niya.

Humiwalay naman sa pagkakayakap sa akin si Mommy at yumakap naman sa akin si Mommy Luna. Ang gaan-gaan talaga sa pakiramdam pag-alam mong may nag-aalaga sayo.

"Bagay na bagay ka talaga sa anak ko, Becca." Masayang sabi niya ng humiwalay siya sa akin.

Tumango lang ako, hindi ko alam kung anong salita ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Dapat lang talaga na ingatan ka niya, ang laking tanga ng anak ko pag-pinakawalan ka pa."

Tumawa lang si Mommy sa sinabi niya, ngumiti lang ako. Hinding hindi ako papakawalan ni Denzel. Panatag ako sa mga salitang binatawan niya.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon