Once Mine, Always Mine -- Chapter 23

87.1K 793 39
                                    

Chapter 23

 "Thank you." Sabi ko pagbaba ng kotse niya.

"You're welcome." Lumabas na naman ang walang humpay na ngiti niya at kumaway sa pwesto ko.

Pinaandar niya na ang kotse niya at naiwan na akong mag-isa sa tapat ng Shop. Pangalawang beses na akong niyayaya ni Paul na mag-lunch sa labas tuwing vacant niya. Hindi naman mahirap pakisamahan si Paul. Hindi din ako naiilang kahit hindi ganoon katagal ang pagkaka-kilala namin sa isa't isa. Alam ko naman na mabuting kaibigan si Paul. Hindi mawawala sa kanya ang pagka-ngiti niya.

Naglakad na ako papunta sa Shop. Tanghali na kaya marami-rami ang customer sa loob. Karamihan sa crew ay nagmamadali. Hinanap ng paningin ko si Denzel, natataranta din siya tulad ng iba. Ang gwapo niyang tignan pag ang buhok niya ay gulo-gulo. Mas nagmumukha siyang hot. Urgh! Niyugyog ko ang ulo ko. Dapat hindi matuon ang isip ko sa kanya.

Naglakad na ako patungong office. Nararamdaman ko ang tingin niya sa akin kahit nakatalikod lang ako. Lagi siyang ganyan nang nakalipas na tatlong araw, laging nakatingin lang parang laging may gustong sabihin. Sige sabihin na natin na gusto ko na din siyang kausapin kaso naiinis pa din ako sa kanya.

Hindi naman ibig sabihin na galit ako sa kanya magbabago ang nararamdaman ko. Ano ako pa ba ang kakausap sa kanya pagkatapos ng hindi pag-sipot sa akin? Ako pa ba gagawa ng paraan para mapatawad ko siya agad-agad? Ganoon na lang ba kabilis 'yun? Wala man lang bang suyo?

Oo nga ayaw ko na ulit na masaktan kaso hindi man lang ba niya sasabihin kung sino ang kasama niya at kung bakit nakalimutan niya ang dapat na date namin?

Nasayang ang effort ko na magdamit ng maganda at laging naka-ayos. Wala man lang ba siyang pakialam kahit na ganoon ako manamit? Akala ko pa naman makikita ko na ang pagsisisi niya kung bakit niya ako hindi sinipot at pinagpalit sa babaeng kakarag-karag niya.

Alam ko naman na may anak na ako, pero anak niya din 'yun. Bakit kailangan niya pang mangbabae. Hindi pa ba ako sapat para mahalin niya ulit, na kailangang ipamukha sa aking, nagamit na kita kaya ibang babae naman.

Nandito na ako sa bahay. Nakauwi na din si Mila. Kami na lang tatlo ang nandito sa kwarto. Kakatapos lang naming magpunas. Ang dalawa hindi pa din natutulog. Kahit na nakahiga ay dilat pa din ang mga mata. Nakatingin lang sila sa isa't isa. Ang sarap nilang tignan. Nakasandal lang ako sa headboard, nagbabasa.

"Papatayin na ni Mommy ilaw, tulog na dali." Sabi ko sa kanila. Nilapag ko na ang librong binabasa ko sa nightstand. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw ng kwarto.

Hinahagod ko ang mga likod nila para makatulog na. Ganyan ang laging kong ginagawa kung hindi sila makatulog. Pinaghele ko na din para mapabilis. Naramdaman ko na lang ang paghina ng paghinga nila, ibig sabihin lang 'nun ay tulog na sila.

Inayos ko muna ang pagkakahiga nila at kinumutan. Sumunod na din akong humiga. Nakaharap lang ako sa kisame. Kahit pala ako ang may galit sa kanya hindi ko pa din kayang layuan siya. Bakit kasi ang tanga niya? Bakit kasi ang tanga ko? Bakit ang tanga namin parehas!!

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon