Once Mine, Always Mine -- Chapter 38

57.3K 546 38
                                    

Chapter 38

Nag'aayos kami ng gamit ngayon. Narito kami ni Denzel sa kwarto ng mga bata at nilalagay ang mga damit nila sa maleta.

"Mommy talaga bang aalis tayo bukas?" Tanong sa akin ni Shana.

Naka-upo lang sila ni Sean sa kama nila habang si Denzel ay nasa cabinet ng mga ito inaabot sa akin ang mga dadalhing gamit.

"Yes baby, mag-ba-bakasyon muna tayo sa Palawan."

"Hanggang anong araw po tayo doon? Dito pa din po ba kami mag-bi-birthday?"

"Oo. Isang linggo lang tayo doon at babalik na ulit tayo dito sa Manila."

"Isang linggo? Mommy isama natin si Kuya Liam. Wala naman po ang parents nila sa kanila."

"Hindi pwede, anak. Family bonding iyon." Sumingit na si Denzel at sinarado na ang maleta nila.

"Ay sayang naman po." Humiga na siya sa kama nila habang nakatingin pa rin sa Daddy niya.

"Daddylove tabi ulit po tayong lahat." Tumayo si Sean at nagpapasan kay Denzel.

"Hindi maaari ngayon, Sean. Gagawa pa kami ng kapatid niyo."

"Sa ibang araw na lang yan, Daddylove. Lagi niyo naman sinasabi sa akin na gagawa kayo ng kapatid pero hanggang ngayon wala pa rin po."

"Ganoon talaga, anak. Mas maganda kung aaraw-arawin namin ng Mommy mo." Hinampas ko naman siya sa braso. "Ano?" Kunot-noo niya akong tinignan.

"Kung anu-ano na naman ang tinuturo mo sa bata, huwag lang sana mag-mana sayo ang anak mo."

"Nagtatanong, eh. Sige na anak matulog na kayo maaga pa tayo aalis bukas." Inihiga niya na si Sean sa pwesto niya.

 
Para tuloy nabagsakan ng langit at lupa ang kanyang mukha.

"Pero Daddylove gusto po namin kayong katabi ni Shana, di ba Shana?" Bumaling ito kay Shana na ngayon ay nakakandong sa akin, sinusuklayan ko kasi ang buhok. Gustong-gusto niya ito pag naglalambing.

"Gusto ko din po 'nun Daddylablab."

Makahulugang tinignan ako ni Denzel ngayon, humihingi ng tulong. Sa nakalipas na dalawang taon naming kasal ay ganyang tingin na lang lagi ang binibigay niya sa akin paghumihingi siya ng tulong sa akin. Ang kaso tuwing anak na namin ang pinag-usapan ay talo ito.

Mas nagkaroon na kami ng time sa mga anak namin hindi noong nakalipas na mga taon. Tuwing papasok ang mga ito sa eskwelahan ay kami na ang naghahatid sa kanila.

Kaya nga ngayon ay napag-desisyunan namin na magbakasyon sa Palawan.
 

"Hayaan mo na." Sagot ko sa kanya.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon