Once Mine, Always Mine -- Chapter 11

124K 1.1K 59
                                    

Chapter 11

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi na hindi nadidisgrasya. Habang nagmamaneho ata ako eh nakatulala lang. Pagdating ko naman sa bahay hindi na ako nagpalit ng damit dahil humiga agad ako sa kama, siguro dahil na rin sa pagod ako at masakit ang ulo ko.

Sa ngayon kelangan ko ng kalimutan muna ang mga nanyari sa amin nang gabing yun. Hahayaan ko muna ang mga nangyari dahil alam kong balang araw mas lalala pa to, pero wag naman sana.

"anak tama na yan mamaya ka na magsayaw ng magsayaw jan." pinapagalitan ko ngayon si Sean kanina pa kasi siya sayaw ng sayaw may pataas taas pa ng kamay, minsan pasipa sipa pa, may nilalagay sa baba ang kamay parang ninoy, tapos kekembot kembot pa.

"anak hindi ka ba napapagod niyan?" Umiling lang siya. Dahil alam kong magtatalo lang kami kahit nasayaw siya pinapaliguan ko na lang.

Kanina ko pa nalinisan si Shana pero hinayaan ko siya na maglaro lang sa bath tub. Pero etong si Sean kanina pa kami dito.

Sabay sabay na kami naligo dahil aalis na naman ako ngayon, pupuntahan ko sa Tagaytay yung pinapagawa kong branch. Ngayon ko na din makikita kung sina ang engineer na kinuha ni Pamela. Suprise visit lang ako.

Halos ilang oras kami sa banyo dahil ang kulit-kulit ni Sean. Buti na lang din maaga akong nagising at nakapagluto na ng almusal kung hindi baka ma-late ako.

"Ano ba Sean, mamaya na yan. Tara dito. Say aaahhh" nilapit ko sa kanya yung kutsara na may lamang oatmeal ngumanga naman siya. 

"Ikaw din baby, say aaahhh." sinubuan ko naman si Shana, ngingiti ngiti naman siya.

"Baby baka kung mapano ka jan, pagkatapos mo na lang kumain bago ka sumayaw." tumigil naman siya tapos sinubuan ko sila ng sinubuan.

Nang matapos nagbihis na ako, nakashort lang ako at hanging clothes. Dahil na din sa masyadong matarik ang Tagaytay nag-Flat shoes na lang ako.

Nagmamadali na din akong bumaba ng marinig ko na nanjan na si Mila. Nag good morning din ako sa kanya at nagpaalam.

Nandito pa lang ako sa pinto na may mapansin akong supot. Tinignan ko yun, nung nakita ko may american suit na pambata at may sunglasses pa.

"MILA!!" tawag ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumunta sa akin.

"Ate ano po yun? May masakit po ba sa inyo? Tatawag na po ba ako sa ambulansya, pulis, bumbero, denti--"

"Tama na yan masyado kang hyper. Kanino to." Nung itinaas ko yung supot nanlaki naman yung mata niya tapos agad niyang kinuha sa aking yung supot na hawak ko.

"A-ano ate, k-kasi po ano."

"Ano yon?"

"Hehe wala lang po to, nakita ko lang po sa amin tapos ang cute cute gusto ko po sanang ipasuot kay Sean" nagniningning naman yung mga mata niya.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon