Once Mine, Always Mine -- Chapter 1

243K 2.2K 38
                                    

Chapter 1

Becca's POV

Narito ako ngayon sa pagmamay-ari kong Coffee Shop. Kakarating lang namin galing France kasama ang dalawa kong pinakama-mahal at importante sa aking buhay.

Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa secretary ko.

“Good Morning Ma’am.” Sabi ni Pamela, ang sekretarya ko at manager ng Shop.

Sa kanya ko muna kasi pinaubaya ang lugar na to, nung nasa France pa ako. Manager na talaga siya dito. Sa magulang ko kasi talaga ang Shop na 'to.

Pero ngayon na matanda na ko at may binubuhay na, binigay na nila sa akin. Mga five months na din na pagmamay-ari to. Nang nasa France pa kasi ako ay kina-usap na ako ni Mama na ibibigay sa akin ang Shop niya.

At ngayon ngang  kumikita na ang Shop, napag-isipan ko na magpatayo pa ng ibang branch sa Tagaytay. Ang kaso wala pa kaming nahahanap na architect para doon. Kay Pamela ko na din pinamahala ang bagay na 'yun. 

“Good Morning din." Sagot ko. "Kamusta naman kayo? Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita, alam mo na, alaga ng mga bata at inaasikaso pa yung ibang papeles para dito na talaga kami magstay for the long time.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Tama na siguro ang dalawang taon na pagtago sa ibang bansa kaya naiisipan ko ng bumalik dito.

“Naku Ma’am ok lang po yun. At saka ayos lang naman po ang mga bagay-bagay."

"Good."

"Ay Ma’am, drinks po?” Tanong niya sa akin. Nasa tabi din kasi kami ng counter. Ten pa lang din ng umaga.

“Salamat, pero mamaya na may hinihintay pa kasi ako, tawagin na lang kita pag-nandito na sila.” Pagtatanggi ko.

Pinapunta ko kasi ang mga kaibigan ko noong college. Sila lang din ang mga naging kaibigan ko noong college. Hindi kasi ako mahilig makipaghalubilo sa iba.

“Sige po.” At umalis.

 Umupo muna ako sa isang bakanteng mesa at naghintay. Lumipas ng sampung minuto biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawa kong kaibigan.

Tumayo naman ako at kinawayan sila. Nang nakita nila ang pwesto ko ay lumapit naman sila agad.

Unang yumakap sa akin si Ellie. “Becca!!" Sigaw niya sa tenga ko "Ikaw na ba talaga yan!" Sinuri niya naman ang buong katawan ko.

"Oo naman. Mukha bang starue ako?" Sagot ko sa kanya habang natawa.

"Sira ka talaga. Pero na-miss kita! Ang tagal natin hindi nagkita. Kala ko hindi ka na  magpapakita sa amin ni Janelle.” Sabi niya pa.

Tinignan ko naman ngayon si Janelle na nakamasid lang sa akin.

"Oh ano tatayo ka na lang ba d'yan o yayakapin mo ako." Sabi ko kay Janelle. Nilawakan ko naman ang braso ko at hinihintay ang yakap niya.

"Hindi lang ako makapaniwala. Na-miss kita Becca." Janelle. Niyakap niya naman ako ng mahigpit. "Ang laki na nga ng pinagbago mo."

"Siyempre naman tumira ka ba naman ng ilang taon sa ibang bansa hindi ka ba puputi." Sabi ko sa kanila. "Umupo na nga muna tayo." 

Pare-parehas kaming nakatapos ng Culinary Arts. Simula 1st year college ay magkakasama na kami hanggang grumaduate. 

Humarap ako sa kanila at ngumiti. "Kamusta na?" Tanong ko sa kanila. "Ay, Guys drinks? Alam ko naman na matagal-tagal ang pag-tatanong niyo sa akin."

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon