Once Mine, Always Mine -- Chapter 3

152K 1.4K 32
                                    

Chapter 3

ELLIE's POV

Nandito na kami sa bahay nila Becca. Malaki ang bahay nito kahit na nasa labas pa lang kami ng bahay niya.

"Ayos ah." Komento ko.

"Salamat." Sagot naman niya.

Oo nga pala. Ako si Ellie. Matalik na kaibigan ni Rebecca. Ang isa kong kasama ay si Janelle isa ko ding kaibigan.

Matagal ko ng kaibigan si Janelle high school pa lang, pero nitong college kami ay nakasama na namin si Rebecca.

Wala na kaming ibang naging kaibigan bukod sa grupo nila Denzel.

Sino nga ba si Denzel? Si Denzel ang unang kasintahan ni Becca. 

At ngayon nga ay may itinago pala etong si Becca sa amin na may anak sila. Sira talaga. Ayaw magsabi ng nararamdaman.

Paano na lang kung magkita sila di ba? Paano kung biglang magka-gulo. Sakit talaga sa ulo si Becca.

"Tara pasok kayo." Aya niya sa amin ni Janelle.

Tumungo lang kaming dalawa. Nakapulupot ang kamay ni Janelle sa braso ko. Kahit kelan talaga 'to.

"Bumitaw ka nga." Sabi ko sa kanya.

Inaalis ko na ang kamay ko sa kanya pero ayaw pa din bumitaw.

"Mamaya na baka maligaw akon sa bahay ni Becca. Ang laki kasi." Sagot niya.

Lumingon naman sa amin si Becca. "Ang OA mo naman. Mas malaki pa ang bahay niyo kesa sa akin."

"Hayaan mo na lang ang isang 'to." Sabi ko kay Becca.

Nakarating kami sa kanyang sala at naaninag ang isang babae na nakatalikod sa amin at dalawang bata na nag-lalaro,

"Babies!" Sigaw ni Becca.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon