Once Mine, Always Mine -- Chapter 12

112K 936 18
                                    

Chapter 12

Halo halo ang nararamdaman ko, pero nangingibabaw pa rin ang hiya at inis ko sa lalaking ito. Hindi ko alam kung sinasadya niya lahat ng to o iniinis niya lang ako. Natutuwa kasi siya pag-umiirap sa kanya. Ang sarap kalbuhin. UGH.

Sobrang kulit niya ngayon, sumasakit ulo ko sa kanya. feeling bata sa mga action niya ngayon. 

Habang hinihila niya ako papuntang parking lot, hindi parin mawala ang ngisi sa labi niya. Pag inaalis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya mas lalo niyang hinihigpitan. Mas lalo tuloy kumukolo ang dugo ko sa kanya. Ayos na sana kanina eh, napapangiti na ako. Kaso mukhang sumosobra na ang loko. Ang sarap lang i-crumpled at ihagis sa mukha niya ang ginawang niyang bulaklak.

Inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan niya, nilagyan na din niya ako ng seatbelt. Naamoy ko tuloy ang pabango, I stiff. Ang loko ngingisi ngisi. Umikot at pumasok siya sa driver sa driver seat. Nakatingin lang ako sa bintana.

Nagbilang lang ako ng sampu at humarap sa kanya. "What? Hindi pa ba tayo aalis at titingin ka na lang ba sa akin."

Ang sira ulo tumungo pa. "Sabi ko kasi sayo ayaw kong sayangin ang ilang minuto na kasama kita. Baka mamaya iwan mo na naman ako."

"Whatever." Umirap ako sa kanya. "Wala ka ba talagang balak umalis? Kung gusto mo ako na lang magba-byahe at iwan na lang kita dito. Kaya ko naman bumayahe." Aakma sana akong hawakan ang handle ng sasakyan pero pinigilan niya ako. Tinignan ko yung kamay na nakahawak sa akin, inalis niya naman to.

"Oo aalis na MeLoves, kaya nga binalikan kita kasi baka makuha ka pa sa akin. Hahayaan pa ba kitang pumunta sa iba."

UGH. Ano bang nangyayari sa kanya. Nawala lang ako ng dalawang taon naging ganito na to. Yung mga gusto kong gawin niya dati sa akin ngayon niya ginagawa. At ngayong ginagawa niya na nga naiirita naman ako. Naniniwala naman ako dati na ako lang ang girlfriend niya at mahal niya, pero tulad nga ng sabi ko puro salita lang siya at wala namang gawa. Siguro ang sweet lang na nagagawa niya eh yung paglalagay nga ng bulaklak sa harap ng condo ko at yung mga sweet notes.

Nagsimula na siyang mag-drive. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang message may reply pala si Mila na hindi ko napansin, masyado akong naging busy kanina. Isa pa to si Mila sumasakit din ulo ko dito, kung ano-ano na ginagawa kay Sean. Pero hindi naman ako nagagalit, masaya pa nga ako at nalilibang niya ang bata.

Napatingin naman ako kay Denzel na humahaba ang leeg para lang makita kung ano ginagawa ko.

Napataas ako ng kilay. "Anong tinitignan tignan mo jan?"

"Sino ka text mo? Kanina pa yan ah. Ako kasama mo tapos may katext kang iba jan." Habang pasulyap sulyap sa ginagawa ko, hindi niya naman pwedeng alisin ang tingin sa kalsada baka madisgrasya pa kami.

Inirapan ko na lang ay hindi na lang nagsalita. Masyadong tsismoso. Hindi ko naman niya kilala si Mila kaya hindi ko na lang din sasabihin. Masisiraan ako ng baet sa lalaking to.

Alam ko ang daan pabalik pero iba ang daan namin ngayon. Palinga-linga ako sa paligid, pataas ang direksyon namin ngayon at konti na lang ang mga gusali na nakikita ko, puro halaman at bulaklak na lang mga nasisilayan ko sa tinatahak naming daan.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon