Once Mine, Always Mine -- Chapter 4

152K 1.4K 25
                                    

Chapter 4

Becca's POV

"Babies, alis na si mommy ah. Pakabait kayo kay Ate Mila." Sabi ko sa mga anak.

Nandito kami ngayon sa may salas at pinapakain ni Mila ang kambal ng umagahan.

"Mmmm.. Mmm" Sabi nila habang nayuko yuko pa.

"Cute cute niyo talaga." Sabi ko habang pinipisil ang mga pisngi nila. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi hawakan, bukod kasi sa matambok eto ay mapula-pula pa.

"Aahhhh." Ingit ni Shana, namumula na ang kanyang mga mata habang hawak ang kanyang kanang pisngi kung saan ko eto pinisil.

Nataranta naman agad ako at pinuhat si Shana. "Sorry baby." Sabay halik sa kanyang pisngi at hinaplos.

Inalo-alo ko pa si Shana bago ako bumaling kina Mila, na kanilang babysitter at si Sean, ang isa ko pang kambal. Pinapakain lang ni Mila si Sean na naka-salampak lang sa sahig.

"Mila." Tawag ko. Bahagya naman siyang tumingala at tumingin sa akin. "Ikaw na muna bahala sa kanila ah, ite-text ko na lang kayo pag paalis na ako o kaya itext mo na lang ako pag may problema ka sa kambal."

"Sige po Ate." Mahinang sabi niya.

"Pupunta na muna ako sa office nila Dad bago ako pumunta sa Shop kaya baka matagalan ako ng bahagya, pero hindi naman 'yun gagabihin."

Tumango lang siya at ngumiti.

"Bandang ala-sinko magbihis na kayo, para maka-alis tayo agad."

"Ay, Ate wala po akong dalang damit dito. Eto lang pong damit na suot ko ang dala ko ngayon." BAhagya siyang napayuko at tinignan ang kanyang suot.

Umiling-iling naman ako. "Wag kang mag-alala may mga damit akong bago dyan sa cabinet kumuha ka na lang doon."

"Ate wag na po nakakahiya naman, at saka mga bago pa po ata ang mga iyon."

"Ano ka ba, para ka naman iba sa amin, kesa naman umuwi ka eh di yun na lang ang gamitin mo. At saka sinabi ko na kaya nawal kang tumanggi."

Bigla naming namula ang kanyang pisngi, mas lalo tuloy siyang gumada. "Ate naman eh, pero salamat po."

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon