Once Mine, Always Mine -- Chapter 28

82.5K 738 43
                                    

Chapter 28

"Hindi ibig sabihin na pumayag akong sumabay sayo kahapon ay papayag ulit akong sumabay sayo ngayon." Bungad ko.

Nasa tapat kasi ng bahay namin ngayon si Denzel.  Prenteng naka-sandal sa kanyang kotse.

Umayos siya ng tayo bago sumagot sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong ginagawa ko dito at sino ba may sabi sayong sinusundo kita?" Tanong niya.

"Ano pa lang ibig sabihin ng pagkaka-tambay mo dyan sa harap ng bahay ko?"

"Babati lang." Simpleng sagot niya.

Nasa tabi lang ako ng gate ng bahay ko. Ilang dangkal din mula sa kinaroroonan ng kotse ni Denzel.

"Ayan nakabati ka na makaka-alis ka na."

"Papaalisin mo na agad ako. Eh sa mga bata ako babati."

"Ako ba'y pinagti-tripan mo ha?"

"Mukha ba akong mang-ti-trip. At bakit naman kita pag-ti-tripan, ng sinabi ko ngang mahal kita.Mahal talaga kita. Tsaka tutal din naman sinabi mo na ang pagsabay, sumabay ka na lang sa akin."

Inirapan ko lang siya. "Hindi na, may sasakyan naman ako."

"Sumabay ka na sa akin baka ma-late ka pa."

"Ma-le-late talaga ako kung hindi mo aalisin ang sasakyan mo sa daanan ko." Sabay turo ng sasakyan  niya.

"Sumabay ka na. Kung hindi, hindi ako aalis dito sa harap ng bahay mo."

"Ayoko. Baka mamaya niyan kung anong isipin ng mga crew sa atin, kahapon magkasama na tayo tapos ngayon magkasama na naman."

"Hayaan mo silang mag-isip ng ganoon. Dahil totoo naman ang niisip nila."

"Sira ka talaga."

"Mahal kita eh."

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon