Once Mine, Always Mine -- Chapter 34

65.7K 705 25
                                    

Chapter 34

"Hmm. Bakit baby?" Tanong ko. In-adjust ko muna ang paningin ko bago ako tumagilid sa kinahihigaan ko.

"Utom Nana." Mahinang sabi ni Shana. Hinahawak-hawakan niya pa ang tyan ko.

Itinaas ko ang damit ko at itinapat ang suso ko kay Shana. Naramdaman ko naman na umiling eto.

Liwanag lang ng poste galing sa labas ang nagsisilbing ilaw namin ngayon sa kwarto.  Inangat ko ng bahagya si Shana para makita ang mukha niya.

"Bakit Shana?" Natawa ako ng mahina ng naka-nguso siya sa akin.

"Ayaw Nana dede, uto Nana mado."

"Mcdo?" Tumango naman eto at ngumuso ulit. "Ayaw mo na ba ng milk ni Mommy?"

"Mado. Mado." Pagpupumilit niya.

Binaba ko muna si Shana at tinapik ng marahan si Denzel. Dito na kasi nakatira si Denzel sa amin. Pinakita niya na din sa akin kung saan siya namamalagi. Ang walangjo sa apartment lang pala ng kaharap bahay ko siya nakatira!

Napag-usapan kasi namin ni Denzel na kahit anong pagtataboy ko sa kanya dito pa din siya uuwi. Kaya imbes na pag-awayan pa namin ay pinalagi ko na lang siya dito. Hindi naman naging mahirap para sa akin kahit na ang sakit-sakit nila sa ulo.

Nakakapanibago nga at hindi na siya nagta-trabaho sa shop ko wala ng nangungulit sa akin. Bumalik na siya sa kanyang totoong trabaho ang pagiging architect. Gabi-gabi niya lang akong sinusundo sa shop. Hindi ko mapagkakaila na kinikilig ako sa ginagawa niya.

"Denzel." Marahang sabi ko.

"Hmm." Ungol niya. Bahagya din siyang gumalaw.

"Denzel gising."

Sinunod-sunod ko na ang tapik sa kanya dahil panay na din ang kapit sa laylayan ng damit ko si Shana.

"Hmm bakit?" Wala sa sarili niyang sabi.

"Tumayo ka dyan."

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon