Special Chapter 2.1

1.1K 15 0
                                    

Evan's POV

Nandito ako ngayon sa isang flowershop.

Dahil bumibili ako ng bulaklak para sa aking minamahal na si Ceb. hindi ko sigurado kung mahilig siya sa bulaklak pero mas okay na siguro ang handa diba? Ang sigurado ko lang naman na gusto niya ay ang mga pagkain at syempre ay AKO! HAHAHA

"Uhm sir yung bulaklak po, kailan niyo po ba kailangan?"

As much as possible iniisip ko ang date. Ano ba ang pinakaswerteng date ngayong taon? Para swertehin din ako.

Masyado kong pinaghahandaan ang araw na para dito. At isa ako sa mga pinakakinakabahan na lalaki ngayon pa lang. Hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing magkikita kami kasi naalala ko mga plano ko para sa kanya at sa araw na darating. Sa totoo lang ayaw ko siyang makita ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakabahan na ako at hindi na ako mapakali. Ang talino pa naman ni Ceb na sa sobrang galing niya nahahalata niyang may mali agad sa akin kapag nagkataon. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba yun o ano.

Pakiramdam ko tuloy bawat oras naiihi ako sa tuwing naalala ko kung anong gagawin ko next week.

Dapat kasi special hindi ba? Dapat maramdaman niya yung pinakaeffort at pagmamahal ko. HIndi lang iyon, gusto ko kasi iparamdam sa kanya kung gaano siya ka-special sa buhay ko at sa magiging buhay namin magkasama.

" Next week Friday. At paki set up na rin lahat."

Friday ang naisip kong date kasi bukod sa Sabado ang kinabukasan walang pasok sa pinagtatrabahuhan niya, good mood siya lagi kasi daw wala siyang dapat alalahanin na gagawin sa araw na susunod. Isa pa paboritong araw din niya iton nung nag-aaral pa lang kami kasi daw natatapat lagi ang free time nila at ang paborito niyang subject.

"Yes po sir. May mga suggestion din po ang mga designers namin para sa gagawin na arrangement ng flowers. Baka gusto niyo i-consider sir?"

Kailangan ko pa ba i-consider? Eh sigurado naman akong mas maganda yung naisip ko kaysa sa kanila. Anong akala nila sa akin? Walang alam sa mga ganyan? Tsk. 

"No need. Gusto ko masunod lahat ng isinend ko sa inyo na plano ng pagkaka-arrange. Tandaan mo na ayaw kong maiba yun. At huwag niyo aagahan ang pag-aayos baka malanta yung mga bulaklak." medyo may pagkainis na sabi ko. Kasi naman kinakabahan at napepressure na ako ganyan pa sila.

Alam ko naman na alam na nila yung ganoon pero kailangan ko makasigurado na perfect talaga ang mangyayari next week.

Dahil sa sobrang kaba ko nagiging perfectionist ako ng wala sa oras!

"Yes sir. So next week Friday po sir. Location po ay sa Rooftop of Kahve Aroma. What time po sir?"

Ano ba mas gusto niya? Umaga o gabi? Pero mas romantic yung gabi diba?

Argh! Tawagan ko na nga.

Dinial ko ang number niya. Agad naman itong nagring at sinagot.

"Hey babych."

Natawa naman ako kasi tuwing binabanggit ko yung tawagan namin naalala ko kung paano ba nabuo yun.

"Evan magsi-cr lang ako. Dyan ka lang ha."

"Oo naman Ceb parang aalis naman ako."

"Nako subukan mo lang at makakatikim ka talaga sa akin."

"Sige nga patikim!"

"Gagu!"

Tumawa naman ako ng pagkalakas lakas at umalis na siya papunta sa Cr. Andito kami ngayon sa mall.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon