PORK CHOP-TER 10 - REVISED

2.7K 50 0
                                    

Kurt Daxyl's POV

My life before this was so harsh and hard. I don't know why pero iba talaga tingin ng tao sa matataba. Parang hindi katanggap tanggap? It runs in our family. Dati si Ane mataba rin dahil meron kaming history sa family kaya minsan kahit ayaw mong maging ganun wala kang magawa.

Ako ay dating mataba, hindi naman sobrang taba gaya ni CEB katamtamang taba para mapabilang sa hanay ng mga matataba at hindi ng mapapayat. Si Ane ang puno't dulo ng pagtatransform ko. Siya umasikaso sa akin kahit na mas focus talaga siya kay Ceb lalo na at alam niya ang pinagdadaanan ng matataba lalo na kapag babae.

Wala naman akong balak magpapayat kasi para sa akin ang katawan ko noon ay normal lang kung baga hindi mapayat hindi mataba. Malaman lang talaga. Pero pinilit ako ni Ane at sinabi sa akin ang maaaring magibg effect nito sa pagtanda ko.

Kaya naman pinilit ko rin sarili ko at sa loob ng isang buwan ay nagtago ako. Laging nakacap at nakahoodie kahit sa bahay, kumakain pero puro dahon. Kung hindi fish minsan chicken. Pero everyday green leafy vegetables talaga para akong animal sa farm.

Kahapon sinabihan ako ni Ane na pumunta sa resort. Pero bago daw yun tanggalin ko na yung mga makakapal kong glasses, pinalitan naman niya ng contact lens. Sobrang ready niya lagi. Girl scout ata yun eh, laging handa.

Ayaw ko sana bitawan yung glasses ko kasi mukha akong matalino pag suot ko yon pero ang Ane sinabi sa akin na natatakpan daw kagwapuhan ko kapag nakaglasses. Aba kailangan bang iexpose ang kagwapuhan ko? Ayoko may masaktang babaeng naghahabol sa akin at nagkakarandarapa, isa pa exotic ang gwapo kong istura kailangan ingatan.

Yabang lang hahaha gwapo naman talaga ako, sabi ko. Self praise and self acceptance is the key.

Pati din get up ko nag-iba. Yung porma at yung posture ko din hindi na ako nakakuba na parang si Quasimodo na laging tinatago yung taba sa tiyan at mukhang walang tiwala sa sarili.

Sabi rin ni ate yung killer smile ko daw dapat laging nakalabas at yung pananalita ko daw dapat maangas. Dami talagang alam e. Sabagay para sa kapakanan ko rin naman.

Napagkamalan kasi akong bakla dati. Pasalamat sila mabait ako at gwapo kundi baka pinagsisipa ko na yung mga yun palabas ng Earth eh. Hindi ba nila alam na magaling ako sa taekwondo. Aba kahit naging mataba ako kinaya ko yun.

Inggit lang sila sa kagwapuhan ko eh. Yung mga babaeng inasar ako noon huh magwala kayo at maghabol sa akin, walang mangyayari.

Sa mga gusto kong kaibigan at tinanggihan ako noon, ngayon sila naman tatanggihan ko ngayon.

Sasabihin kong pagkaharap ko ang salamin malaki talaga ang ipinagbago ko. Talagang makikita mo na at mapapansin na kambal kami ni Ane. Pero mukhang masama nga yon, ayoko maging kakambal ang isang yun eh, kainis.









"Uy Kurt ikaw ba yan? Aba ang gwapo ng insan ko ngayon ah. May pinopormahan ba? "

Binatukan ko nga. Anong ngayon lang ako gwapo? Gago talaga.

"Binabatukan mo na ako? Hoy mas matanda pa din ako sayo Kurt ah. Ipabugbog kita dyan eh"

"Gago. Gwapo na ako matagal na. Inggit ka lang kasi MAS gwapo na ako sayo ngayon. Ano angal?"

"Luh? Pasalamat ka at mabait ako ngayong araw. Naka durugin ko yang mukha mo. "

"Tama na nga yan kayong dalawa. Ang lalaki niyo na eh asal bata pa rin kayo. Nga pala Kurt gisingin mo si Bes dun sa taas ito susi!"

Naisip ko naman na hindi ang paggising sa kanya ang right way para magpakilala si Kurt kay Ceb kaya tinaggihan ko si ate.

"Ayaw ko Ane ikaw na lang" maangas daw e. Yan mapapala mo sa akin Ane hahaha.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora